Napatitig siya sa akin, "nasira mo yung flash drive?" Dahan-dahan akong tumango habang pinipigilan ang hininga. Inalis niya yung pagkakahawak sa baywang ko, "nailagay mo na ba yung documents doon?" He crossed his arms. Nakahinga ako ng maluwag. Ligtas! Magdiwang tayo mga kapatid. "U-uh.. May copy pa naman ako sa laptop." Sagot ko. I saw him sighed. Basta trabaho nag-iiba ang mood niya. Phew! Buti nalang. Safe ang manok nyo, muntikan na malaslasan sa leeg. He suddenly looked antsy. Umupo siya sa higaan and looked up to the left thinking like processing an information. Naka-focus siya. Inipit niya ang kanyang labi sabay tinatapik ang kanyang mga daliri. Anlalim ata ng iniisip. Shet Ken! Ang galing mo lumusot hindi gusot! "Um.. magbibihis na ko." Sabi ko tsaka sinimulan nang magbi

