Chapter VI

1184 Words
"I love you too." Napatingin sa gawi ko si Claud matapos ibaba yung cellphone niya. "Kanina ka pa dyan?" Narinig kong sabi niya. Bumalik sa normal na pagtibok yung puso ko. "Pumasok kana. Mainit dito sa labas." Tumalikod ako tsaka pumasok sa loob ng bahay. Ahhh. May girlfriend ang batugan. Napahinga ako ng malalim kasabay ang pagbuntong-hininga. Hindi ko siya matignan ng diretsahan sa mata. Ah shet. Bakit wala akong naisip na joke? Dapat sinabihan ko manlang siya ng "nanay mo kausap mo no?" o kaya naman "asa namang may jowa ka!" Pero halos di ako makagalaw kanina. Kaasar tong Claud na to, inunahan pa akong magka-girlfriend. Pero alam ko wala siyang girlfriend. Pano nangyare yun? Sino kausap niya kung ganon? Baka nanay niya nga? E di naman siya ganon ka sweet sa ina niya. Sa libro lang sya malambing at nakatutok. So girlfriend niya nga talaga yon? Tumigil ako sa pag-iisip at umupo sa may dining room para kumain ng tanghalian kahit alas-dos na. "Kuyaa!! Tulungan mo naman ako sa assignment ko!!" Sigaw ni Mei habang papalapit ngayon sa akin. Kumamot ako sa ulo, "hype ka naman Mei. Kakain pa ko o." "Sige na!! Bukas na pasahan nito may project pa ko." Mangiyak-ngiyak niyang sabe. "Tungkol saan ba yan?" Tinignan ko yung hawak niyang notebook. "Nag activity kasi kami sa school kahapon tapos sabe ipaliwanag daw kung anong nangyare eh di ko maintindihan tapos sabi ni teacher individual daw namin irerecite yung sagot namin." Paliwanag niya na halos maluluha na. "Eh bakit kasi di ka nakinig?"  "Nakinig kaya ako!! Di ko kasi magets yung sinasabi ni teacher e. Siya yung di ko maintindihan!" Inikot ko nalang yung mata ko dahil dito sa kapatid ko. Busy ako e. "Mei ah. May gagawin pa ko pagtapos. Kita mo nga wala pa akong kain." "Sige na kuya!!" "Patingin nga." Kinuha ko yung libro niya at tinignan yung nakatiklop na pahina. "Science yan kuya," napalunok ako. Ang pinaka-kinamumuhian kong subject! "Diba IT ka kuya? Science and technology naman yan kuya eh madali lang yan sayo." Nakangiwi niyang sabi. Pinandilatan ko siya, "magkaiba ang information technology sa science technology." Ibinaling ko ulit yung tingin ko sa libro. Kumamot ako sa ulo, "physics to a. Grade 7 ka palang diba? Pang 4th year na to eh!"  "Eh ganun talaga kuya, spiral na kasi yung system." Ngumuso ako dahil wala akong maintindihan sa nasa libro. Pag nag-aaral kasi ako short-term memory lang at kakalimutan ko na pagkatapos ng test, minsan nga di na ko nag-aaral. Nakita ko nalang yung palad ni Claud at iniangat ko yung tingin sakanya. Binigay ko sakanya yung libro at nakita kong binasa niya. "Resistance of wire.." bulong niya habang nagbabasa.  "Kuya Claud patulong naman ako!! Bobo kase si Kuya e!"  Binatukan ko si Mei, "sinong bobo ha?! Bawiin ko donut mo." "Joke lang!" Balik niya. Tumingin si Claud kay Mei matapos basahin ng wala pang minuto yung libro, "ano bang assignment mo?" "Sabi daw po ipapaliwanag yung sa activity eh hindi ko maintindihan." Paliwanag ni Mei. Umupo si Claud sa tabing upuan ko, "makinig ka ha," sabi niya. "Since you used nichrome wire with the length between of 20 and 80 cm, you will notice that the shorter wire offers lesser resistance to the current kaya mas naging maliwanag yung ilaw ng bulb."  Tungunu ano daw?!  Pinagmasdan ko si Claud na nagpapaliwanag. I stared on his mouth's movement while he's explaining.  Oh s**t! That lips. Napakagat nalang ako sa labi ko habang sinusuri ko siya.  "In any case, this idea is the basis in constructing variable resistors as said inside this book." Napatigil ako sa pagtitig sakanya nang tignan niya ako. "A..Ah ah.. oo nga yun nga. Ngayon alam mo na ha Mei." Tumingin ako sa kapatid ko. "Halatang di ka nakikinig kuya e." Tumawa si Mei. Napasampal nalang ako sa noo ko, "nagugutom na nga kase ako!" "Tapos kay Kuya Claud ka nakatingin?" Napatakip nalang ako sa sarili ko. Tinignan ko si Claud at nakita ko siyang nakangisi.  "Ano ha?! Away o gulo?!" Paghahamon ko sakanya. Sumeryoso na ulit yung mukha niya, "okay na ba Mei?" tanong niya.  "Opo Kuya Claud. Thank you po!! Buti pa kayo matalino di tulad ni Kuya ko." Binelatan ako ni Mei. "Hoy aba! Gusto mo talagang bawiin ko yung—" "Oo na oo na kuya! Kakainin ko na yun lahat para di mo na mabawi! Hah bleeh!" Sabay kuha niya na ng libro at alis. Bwisit. Tinignan ko si Claud at ang kanyang hindi interesadong mukha. "Kumain muna tayo." Sabi ko sakanya. "Hindi ako gutom. Nasan yung kwarto? Matutulog muna ako."  I gave him an annoyed look, "kakatulog mo lang sa bus." "Sa tingin mo makakatulog ako ng maayos doon?" Walang-gana akong tumayo sa upuan at dumiretso sa 2nd floor sa kwarto ko. Tatlo ang kwarto dito, yung master bedroom ay kay mama at papa, yung isa ay kwarto ni Mei. Nakasunod sa akin si Claud, binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at pumasok doon. "Isa lang yung kama ko pero kasya naman tayo dyan."  Tumingin siya sa akin at naglakad papunta sa kama tsaka humiga ng nakadapa. Binuksan ko yung aircon at hinayaan siyang matulog, hindi naman masyadong maliwanag yung kwarto ko dahil dark ang kulay ng kurtina. "Grabe di manlang nagpalit ng damit." Bulong ko. "Ikaw magpalit sakin kung gusto mo." Narinig kong tugon niya habang nakapikit. Narinig niya yun? "Hah! Dun ka sa girlfriend mo." Sa di inaasahan ay nasabi ko yon. Nagtakip nalang ako ng bibig. Nakita ko siyang dahan-dahang umayos sa pagkakahiga at tumigin sakin.  Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sakin.  "May pa-I love you too-I love you too ka pang nalalaman. Pweh!" Sigaw ko sakanya.  "Sabi na nga ba narinig mo." He said in solemn. Ibig sabihin girlfriend nya talaga yon?! May girlfriend nga siya?! Halos mababaliw ako, "kailan ka pa nagka-girlfriend ha?!" Galit na galit ako. "Uh, one month ago?" Sagot nya, "ewan nalimutan ko kung kailan."  "Bat di mo manlang sinabe ha?! Iniiwan mo na ko ganon?! Grabe ka sige iwan mo ko ganyan naman kayo eh! Kahit nung highschool lagi akong huli! Sanay na ko sainyong mga hinayupak!" Binato niya ako ng unan at saktong tumama naman sa mukha ko, "ano bang sinasabi mo?" Hinawakan ko yung unan at binato siya pabalik pero di natamaan sayang! "Wala! Ganyan naman kayo e! Akala ko pa naman kaibigan tayo Claud! Tapos iiwan mo ko sa ere!"  "Tumahimik ka nga." Sabi niya't binalik na ang sarili para matulog. Lumabas ako ng pinto at dinabugan siya ng pagsara.  Kaasar talaga tungunu.  "Kuya anong nangyari? Narinig kita nagsisisigaw." Si Mei. "Wala. Gutom ako." Sabi ko tsaka nagsandok ng kanin.  "Sus kunyari ka pa kuya. Narinig ko kaya. Parang may gusto ka kay Kuya Claud." Tumawa siya. "HAH?!?!"  "Sabi mo "iniiwan mo na ko ganon?! Grabe ka sige iwan mo ko"" Tumawa siya matapos gayahin yung boses ko at napa-facepalm ako. Sa lahat ba naman ng maririnig yung part pa na yon. "Mama si Kuya Ken may crush kay Kuya Claud!!" Sigaw niya at pinandilatan ko siya ng mata. Tumawa-tawa siya sa pangangasar. Pagkatapos kong kumain ay inakyat ko yung mga gamit namin ni Claud sa kwarto. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog, psh. Binuksan ko yung case ng laptop ni Claud para simulan na yung pagddraft ng documentation. Mabuti at may wifi dito sa bahay. Binuksan ko muna yung site ng f*******:.  Nabigla ako nang makitang naka-open yung account ni Claud, tinamad ata i-log out. Napangisi ako sa isipan. Gagantihan ko tong lalaking to. Pumunta ako sa profile niyang walang kalaman-laman. Tinignan ko yung 700+ friends niya at tumawa. Lagot ko sakin Claud. Girlfriend pala ha. Nag post ako ng status na.. "Bakla ako." Sabay tawa sa isipan. ___ Vote. Comment. Share #FlamingHeartKC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD