Naramdaman ko ang pagdidikit ng labi namin ni Claud, unti-unting lumaki yung dalawang mata ko.
Bago ko pa siya matulak ay binitawan niya na ang pagkakahawak sa kwelyo ng aking damit.
"Ano kinilig ka?" Sabay inom niya ulit ng softdrinks sa may straw na parang walang nangyare.
Nanginginig akong nakatulala.
"Namo ka CLAAAAUD!!!!" Pinunas-punasan ko yung bibig ko habang namumula ang pagmumukha.
Tumingin ako sa paligid tinitignan kung may nakakita ba pero mukhang nagpe-pretend yung mga taong walang nakita.
Napatakip nalang ako sa sarili ko..
Pumasok lahat-lahat ng nangyari na tila pino-process ng central nervous system ko. Yung paghila, yung paghalik, yung pagdikit.. ilang segundo ba? Takte!!
Tinignan ko si Claud na nakatitig lang sakin at blanko ang ekspresyon.
"First kiss mo?" tanong niya.
Para akong nahulugan ng ice cube, "pigilan mo ko at masusuntok kita." Nawalan na ng saysay ang buhay ko.
Nakita ko siyang ngumisi at hindi ko alam ang kanyang iniisip.
Pwe!
Bura-bura!
Nabahiran na ako ng Claud virus.
"Kulitin mo pa ko ng kulitin," narinig kong sabi niya, "at hahalikan kita ng hahalikan."
"Hindi patas ang laban!!!" Sigaw ko.
Tumayo siya sa pagkakaupo, "get your ass off there. Trabaho na."
I slouched my back and followed him.
Diyos ko makapangyarihan. Sabihin niyong hindi totoong hinalikan ako ng lalaking to.
Ayoko maging bakla.
Pero ang lamig ng bibig niya parang may mint.
"Wala manlang bang uwian to?" Tanong ko at lumingon siya sakin.
"Uwian? Meron. Sa apartment ko." Sabi niya.
I showed him a self-mocking smile, "sa bahay ko naman tayo gumawa."
Tinaasan niya ko ng isang kilay, "sa bahay mo?" Pag-uulit niya.
"Korek ka dyan boy." Na tila ginagaya ang accent si Kris Aquino.
"Ngayon?" Mukhang tinatamad nanaman ang isang to.
"Hinde sa sunod na taon." Sarkastiko kong balik.
He sighed, "Tagaytay? I'm tired of going back and forth there." Umingles si conyo.
"Wow. Isang oras lang byahe pagod kana niyan?"
Hindi ko pa rin gets kung pano natuto sumayaw ang isang to. Nung nagsabog ng kasipagan ang panginoon inilagan niya lahat e.
"Oo na. Kukunin ko lang gamit ko sa apartment." Payag niya.
"Hay nako Claud! Gayahin mo kasi ako, boy scout lagi." I said full of glee.
Hindi niya ko pinansin at dumiretso kami sa lugar niya tsaka kinuha yung mga kailangan dalhin.
Tina-try ko tanggalin yung awkwardness dahil sa nangyari kanina sa pamamagitan ng pagda-daldal pero mukhang nakalimutan niya na agad.
Sumakay kami ng airconditioned bus at andami niyang dala, parang magbabakasyon ng dalawang buwan.
"Cla—" pagtingin ko sa tabi ko ay nakatulog agad. Walangyang to, sakin ba naman iwan ang pamasahe.
Nagbayad ako doon sa konduktor. Nanghihinayang sa butas kong bulsa.
Tulog na tulog ang pucha.
Pero sabagay, hayaan nalang. Hindi din kasi siya nakatulog ng maayos since katabi niya ang poging ako.
Nasa may bintana siya nakapwesto at doon sinasandal ang ulo niya.
Tinignan ko siya habang natutulog.
Mukha siyang restless. Kahit nakapikit ang kalmado niya pa rin tignan, hindi manlang kase naglalabas ng expression. Palaging sinusuot yung paborito niyang blanko.
Nakita ko yung labi niya na kani-kanina lang ay dumampi sa akin.
Napayuko nalang ako sa kahihiyan nung maalala.
Whoo. Taeng malupet, limot! Bura! Erase! Clear! Undo! Lahat na.
Di ko namalayan na nilapit ko ang kamay ko sakanya at hinawakan siya sa kanyang dibdib.
Naramdaman ko yung t***k ng puso niya.
Pero di ko yon pinansin, dahil ang nasa isip ko ay.. wala siyang boobs.
Huminga ako ng malalim, inhale exhale.
Malamang lalaki siya e paano magkakaroon ng boobies to.
Bat ko nga ba chineck? Jusme. Isang halik lang yon Ken! Wag kang bakla.
Napalunok nalang ako habang tinitignan siya.
Ito? Itong lalaking to? Magpapatalo ka diyan?
Naamoy ko muli yung scent niya na sinasabing 'normal na amoy' niya lang.
Pero syempre magre-research din ako tungkol sa amoy na yun. Hindi niya ko maloloko!
Alam kong may dahilan kung bakit nakakalibog yung amoy na yun! Oo ipaglalaban ko yan.
Napatingin nalamang ako sa katabi naming upuan.
May naglalambingan na mag syota.
"Ano ba hunny! Nakikiliti ako."
"Hunny naman eh sige na."
Naglabas ako ng black aura habang tinitignan silang dalawa.
"Yikes! Hunny tignan mo yung lalaki dun sa kabila nakakatakot."
Kaasar yung mga ganito e.
"Makikita niyo magkaka-ganyan din ako," bulong ko sa sarili, "diba hunny?" Tumingin ako kay Claud at nakita ko siyang gising.
"Inang birhen! Nakakagulat ka." Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.
"Tss." Hindi niya ako pinansin at pinikit na uli yung mata niya.
May autism talaga ang wala.
Nakaupo lang kami ng isang oras sa bus hanggang makarating ng Tagaytay. Medyo malayo yung subdivision ng bahay namin kaya naka-ilang sakay pa kami bago makarating sa paroroonan. Malapit sa Ayala Malls yung house and lot na tinitirhan ko at oo tama kayo sa pag-basa, brand new yan na kakabili lang dahil sa sipag at tiyaga ng ama ko.
"Nag iba kayo ng bahay?" tanong ni Claud habang naglalakad kami. Nasa loob na kami ng subdivision at konting sikot nalang nandoon na kami sa bahay. Tirik pa ang araw pero hindi manlang pinagpapawisan itong si Claud, cold blooded ampupu.
"Oo, isang taon na rin siguro nung lumipat kami." Sagot ko sakanya. Hah! Makikita niya kung gano kaganda ang house and lot. Whoo!
Matapos ang ilang minutong pag alay-lakad ay nakatayo na rin kami sa harap ng gate of heaven.
"Nandito na tayo." Sabi ko sakanya at pinagmasdan niya yung buong bahay namin.
"Ano masasabi mo? Ganda no? Hah! Take that motherfather!" Humalaklak ako.
"160 square meter lot area, 140 square meter floor area, 3 bedrooms, 2 bathrooms, 1 garage at may garden." Sabi niya sabay tingin sakin.
"Nasabi ko na lahat, pwede na ba tayo pumasok? Kanina pa tayo nakabilad dito." Sa monotone niyang boses.
Napa-nganga ako sa kanyang mga sinabi.
Galing a. Pano niya yun nalaman ng isang tinginan lang?
"Osya tara." Pumasok na ako sa gate at sinundan niya naman ako.
"Kuya Ken!!!" Bungad sa akin ng 12-year-old kong kapatid na si Mei.
"Mei, si mama?" Binigay ko sakanya yung pasalubong kong isang box ng dunkin donut. Pinilit ko pa si Claud na mag-stop muna kanina para bilhin to.
"Yeey donut! Nasa loob si Mama." Sabi niya at nakita si Claud.
"Ah Mei malamang di mo na naaalala si Claud, bata ka pa kasi nung last siyang pumunta dito." Mga highschool palang kami nun at sa iba pa nakatira.
"Hello po." Nakangiting bati ni Mei.
"Hi." Tipid na sagot ni Claud. Can you at least be friendly?! Sauce naman.
"Tara sa loob." Sabi ko at ni-lead naman kami ng kapatid ko papasok sa pinto.
"Mas makulit kapa kesa sa kapatid mo." Bulong ni Claud sa akin at siniko ko siya.
"Ken anak!!! San kaba nagsususuot?! Di ka umuwi kagabi! Di ka manlang nagpaalam!" Overacting tong si Mama.
"Mama may trabaho ako, malaki na ko no." Sabi ko sakanya at nilapag ang mga dalang gamit sa tiles na sahig.
"Oh! Nandito din pala kaibigan mo. Kamusta?" Nakangiti niyang binaling ang tingin kay Claud.
Ngumiti pabalik si Claud, "magandang araw po sainyo." Wow! Claud? Who you?
"Hay kayu talaga! Magpahinga muna kayo akin na yang mga gamit nyo." Ganito talaga si Mama pag may bisita, o ganito lang talaga ang mga nanay sa mundo?
"Sige Ma." Sabi ko sakanya.
"Teka lang ha." Napatingin ako kay Claud habang kinukuha niya yung tumutunog na cellphone sa kanyang bulsa. Naglakad siya palabas ng pinto habang sumasagot sa tumatawag.
"Sino na nga ulit iyon Ken? Nakita ko na sya dati abay makakalimutin na talaga ako." Napatingin ako kay Mama.
"Si Claud yon mama, matagal na rin kasi." Sagot ko sakanya. Nung pumunta kasi sa amin si Claud dati ay kasama din ang tropa, tumagay kami at nag sleepover sa luma naming bahay.
"Ah ganoon ba." Si mama na inaayos ang gamit namin.
"Dito kami matutulog ngayon, kliyente ko kasi siya." Binuksan ko yung ref para uminom ng tubig.
"Mabuti naman at naisip niyong pumarito."
"Yep. Pinilit ko lang siya kasi gusto kong umuwi, sa apartment niya kasi ako natulog kagabi dahil sa trabaho." Paliwanag ko.
"Kamusta naman ang trabaho?" tanong niya.
"Baka abutin kami ng mahigit buwan." Sabay inom ko ng malamig na tubig sa baso.
Wala si papa dahil paniguradong nasa trabaho pa siya ngayon. Nasa army si papa at never kong inisip mag army dahil mapapalibutan ako ng mga maskuladong walang boobs.
Tama ang asar nila sa ama ko dahil kalbo nga siya pero ambait kaya nun! Susuntukin ko manggagad sa tatay ko.
"Teka ma, antagal ni Claud sa labas baka nahimatay na." Sabi ko tsaka tumungo palabas.
Napatigil nalang ako nang marinig si Claud na nakatalikod habang may kinakausap sa phone.
"Nasa tagaytay nga ako. Tagaytay. Diba sinabi ko na?" Bumuntong hininga siya.
"Sige sige. I'll call you later," Tumango-tango siya,
"I love you too."
Tumigil bigla yung t***k ng puso ko.
___
Vote. Comment. Share
#FlamingHeartKC