Chapter IV

1208 Words
"Mama penge gerlpren nmnm" Matapos sabihin ang mga katagang yon ay napamulat ako ng mata. Nakita ko si Claud na yakap-yakap ko habang nakapatong ang isa kong paa sakanya. Nakapikit siya at sa ibang direksyon nakaharap ang kanyang mukha. Inamoy-amoy ko yung leeg niya, holy mary full of grace ganun padin ang amoy.  "Butiki, kung wala kang magawa patulugin mo muna ako." Tinalikuran niya ako kaya natanggal ang pagkakayap ko sakanya. Naramdaman nya pala yun? Bumangon ako sa pagkakahiga sa futon. Nagsiksikan kaming dalwa dito ni Claud dahil mababali lang leeg ko pag sa sofa ako natulog. Gulo-gulo ang buhok ko nang tumingin sa salamin. Nagpacute ako dito, "magandang umaga sayo Ken ha-ha. Ampogi mo padin kahit bagong gising." Sabi ko sa repleksyon. Mga ilang minuto ko pinagmasdan ang sarili. Nagulat nalang ako nang makita si Claud sa salamin na nasa likod ko. "Tangina ka Claud muntikan na ko atakihin sayo!" Bigla-bigla ba naman susulpot. "Layas nga." Tinulak niya ko sa tabi at tinignan ang sarili nya sa salamin. "Gutom na ko." Naiiyak kong sabi, hindi ako nakakain ng hapunan kagabi diretso tulog agad dahil sa sobrang antok. "Hindi ako nakatulog ng maayos." Bulong ni Claud, "inaantok pa ko."  Hinila ko sya, "bawal kana matulog! Kakain tayo gutom na ko."  "Walang pagkain dito."  "Edi lumabas." Tugon ko. Napatigil kami at napatingin sa isa't isa. Nag-unahan kami sa pagtakbo papasok sa bathroom. "Una ako!" "Tabi nga Ken." "Di pwede! Mauuna ang gutom!" "Banyo ko to, pwede ba?" Nagsiksikan kami papasok sa pinto. In the end, nauna siya dahil sinabi niyang may butiki. Tinignan ko yung laman ng bag ko, buti nalang may damit ako pamalit. Boy scout talaga. Inilibot ko ang paningin sa buong apartment at ang kalat. Nakakalat lahat nung folders na ginamit namin kagabi. Pati yung laptop nakasaksak parin sa charger. Nakasabit naman kung saan-saan yung damit ni Claud. Face the reality, ganito kami kagulong mga lalaki.  Aminado akong pag pinag-fusion kami ni Claud baka maging dumpsite tong apartment nya. Kumukulo na talaga yung tyan ko. Lumabas si Claud sa banyo ng wala pang 20 minutes, nakatapis lang sa ibaba. Sinalubong ko sya, "sigurado kang walang butiki dyan ah." Hinanda ko na ang street fighter formation ko. "Wala nga." Sa boring nyang tono at nilagpasan ako. Naamoy ko nanaman yung bango nya.  Pumasok agad ako sa bathroom. Bago pa mag-isang oras ay nakalabas ako rito ng buhay. Nakita ko si Claud naka-dikwatro sa sofa at nakabihis na. Tinignan niya ko, "ang tagal ha. Siguraduhin mo lang na pinunasan mo yung modtakels mo." "Gagu! Siraulo. Nag-purification kaya ako, walang halong bahid ng kasinungalingan." Sabi ko at agad nagbihis. Ang totoo niyan, natagalan ako dahil sinuri ko pa yung ginagamit na sabon, shampoo pati tubig ni Claud. Curious nga kase talaga ako sa hygiene niya kung bakit ganun ba amoy niya. Nakakabanas e walangya. May nakuha naman ba akong input? Meh. Wala, iba yung amoy ng sabon e, ganun din yung shampoo.  "Ay oo ambagal kumilos." Sabi niya. I rolled my eyes, "eto na nga." Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na kami sa apartment niya para kumain. Dahil malapit lang dito yung Mcdo ay doon na kami dumiretso para kumain.  "Hanap ka upuan. Sagot ko na." Kumislap yung mata ko. "Yan gusto ko sayo Claud e! Pagpalain ka ng poong maykapal." Masayang sabi ko at dumiretso na sa 2nd floor para doon maghanap ng table, mas maganda kasi pag may view kahit highway lang. Malay mo sakto makakita kami ng nag bundulan na sasakyan. Big news yun! Hinintay ko siya ng ilang minuto sa itaas hanggang sa makita ko yung anino niyang paakyat na sa mismong sahig ng 2nd floor. Ayos no? Anino palang alam ko nang siya. Paano ambagal umakyat malamang tinatamad. Nagkunyari akong tulog habang nakasandal sa glass wall. Narinig kong nilapag nya yung tray sa lamesahan. "Kakainin ko na tong pagkain mo." Napamulat ako ng mata. "Eto naman di mabiro!" Sabay hatak ko sa chicken-fillet ala king. "Ken yung kalahi mo oh." Sabay turo doon sa chicken. "Boplaks." Kumain ako agad, "kalahi mo mukha mo." Habang nanguya. Seryoso naman siyang kumain na rin. "Claud kailan mo ko hahanapan ng girlfriend?" tanong ko. Tumingin siya sakin na may itsurang "really nigga?"  "Di pa nga tapos trabaho natin." Sabi niya sa hindi-interesado-as-always na tono. "Matatapos naman natin yun." Siguradong sabi ko, "basta ako ang consultant! Keri yan." "Yun na nga e, ikaw ang consultant." Bumuntong-hininga siya. Nilapitan ko siya sa kanyang pagmumukha, "magtiwala ka sakin babe."  Binato niya ko ng tissue. "Pwe!" Tinapon ko yung tissue sakanya, "ginagaya ko lang naman yung cornyng line ni Chace." "Inggit ka lang sakanya. Wala ka kasi."  "Hoy aba! Akala mo naman meron ka." "Hindi naman ako nagpapait-paitan gaya mo." "Anong paborito mong kulay?"  "Anong connect? Lakas toyo mo ano." Nginitian ko siya, "interview to." "Paboritong kulay?" Nag-isip siya, "ebakish brown. Ikaw?" "Bulbolic black." Sagot ko at tumawa kami ng pagka-lakas-lakas. "Bagay tayo."  "Utot mo Claud!"  "Mabango?" "May utot bang mabango?" Nginisian niya ako, "inaamoy mo nga ako kanina." Napatakip ako sa mukha ako, "hala siya!"  "Hay manok, ang libog mo." Sabi niya at tinuloy ang pag-kain. "Haler? I like big boobies." Sabay turo sa babaeng napadaan na may malaking hinaharap. Napatigil si Claud at napatingin dito. Nagulat nalang ako nang makitang nagalit yung babae tsaka ako.. "Bastos!" Sinampal at nagwalk-out. Bumagsak nalang yung panga ko sa nangyari. Narinig kong tumawa si Claud. Siningkitan ko siya ng tingin at hinimas yung pisngi ko, "takte ang sakit." Tumatawa pa rin itong kaharap ko habang nainom, pinunasan niya yung labi niya "don't point your fingers at them moron." Sa accent na tila ba ma-experience. "Honest lang naman ako." Sabi ko sakanya. "Tignan mo pinagtitinginan ka." Tinignan ko yung paligid at oo nga. Napayuko nalang ako looking bashful. Tumingin ako kay Claud na nakangisi pa rin habang nakakagat sa straw. "Tigilan mo ko sa mukhang yan a" Sabi ko sakanya. "Cute ka sana kung di ka lang loko-loko." Napaurong nalang ako sa sinabi niya't gulat na gulat. "Uy di nga?!" Nevermind the loko-loko part pero sinabi niyang cute ako. May pag-asa pa sa lahi! "Kung inalis mo lang sana yang pagiging baliw mo." Sumampa ako sa table, "pano ba? Pano ba?" Kumikislap ang mata ko ngayon. "Gusto mo ng demonstration?" He smirked. "Talaga?! Magde-demo ka talaga para sakin?!" Tila naging bituin ang mata ko. "Why not?" He said. "Sige nga!"  "Watch me." Sabi niya't hinanda ko na ang panonood sa gagawin niya. Pinanood niya yung mga dumadaan na tao na tila nag-aabang ng tiyempo. Hanggang sa may isang magandang babaeng papalapit para dumaan sa side namin. Nakita kong tinitigan lamang ito ni Claud at napatitig din sakanya yung babae habang naglalakad. Nabigla nalang ako nang namumulang nginitian ito ng babae, tinignan ko si Claud na ngumiti din dito pabalik. Inilipat-lipat ko yung tingin ko sakanilang dalawa. Putspa! May nakikita akong spark. Nang hindi na matanaw yung babae ay.. "Tengene dre! Pano mo yon ginawa?!"  Bumalik siya sa pagiging seryoso, "Ken. First of all, don't brag about their boobs once you've seen them." Straightforward niyang sabe. "E-Eh.. Eh! Ganun talaga ako no!"  Hindi na siya nagsalita, kinuha niya yung attache case na dala niya. "Magtrabaho na tayo." "Trabaho nanaman?!" Pag workaholic nga naman ang kasama mo. "May reklamo ka?"  "Wala wala. Pero Claud! Tulungan mo naman ako kung pano gawin yun." "Yung alin?" "Yung ginawa mong panggagayuma doon sa babae!" "Gusto mo mahambalos?"  "Dali na boss. Pahingi naman ng tips dyan." "Diskarte lang yan." Sa boring niyang tono. "Pano ba?" Maiiyak na ako, "sige na boss!" "Nakakailan kana." Naaasar na ata. "I-practice mo nalang ako." Pagmamakaawa ko sakanya. He sighed tsaka ako tinignan habang nakataas ang isang kilay. "Please." Ngumiwi ako. "Oh tapos?" "Paano ba magpakilig ng babae?" Tanong ko. Ngumisi siya, "gusto mo malaman?"  Tumango-tango ako habang nakangiwi. "First.." He uttered. Excited kong pinakinggan ang susunod niyang sasabihin. Tumingin siya sakin, "you need to grab her," Nabigla ako nang hilain niya ako bigla, "Then kiss her.." parang tumigil lahat-lahat nang nginitian niya ako, "..passionately."  Tsaka niya ako hinalikan sa labi. ___ Vote. Comment. Share #FlamingHeartKC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD