Chapter III

1292 Words
"Claud.." Tinignan ko siya ng masama, "pucha! Kelan ka pa natutong dumila sensually?!" Sigaw ko habang naaasar. "Ayysh!" Ginulo-gulo ko yung buhok ko, "hindi ako magpapatalo sayo ha. Baka pag pinakita ko sayo ang tinatago kong sandata baka mainlababo ka sakin." I said with enthusiasm. Nakita ko siyang bumuntong-hininga, "licking lips is hella easy." Sa hindi interesadong tono. "Aba!" Maige ko siyang tinignan, "gawin mo nga ulit."  "Ayoko nga." Bumalik siya sa pag-aayos ng folders. "Sige na dali! Pano ba yun?" Ginaya ko yung ginawa niyang pagdila. I saw his cold as ice expression, "mukha kang gutom." Binato niya ko ng dragon seed. "Kapag ako talaga Claud nag-aral ng techniques who you ka!"  "Hindi to inaaral, nakukuha to based on experience." Sa bored niyang tono. "Asa naman akong may experience ka. Ikaw? Pano ka magkakaroon ng karanasan kung batugan ka?" Tumawa ako ng sobrang lakas. Tinaasan niya ko ng isang kilay, "gusto mo makita?" He arched his eyebrows and bit his lips.  "Hoy Claud tigilan mo ko a!!" Nagtakip ako ng mukha. "Kinamumula mo?" Tumawa siya. "May hidden desire ka pala sakin. My gosh!" Sa maarte kong boses. "Tumigil ka nga Ken, kapag di natin to natapos ng maayos talagang malilintikan ka sakin." Sabi niya na ang tinutukoy eh yung trabaho. "Aysus! May experience ka naman dyan kaya hella easy lang yan sayo diba?" Pang-gagaya ko sakanya. "Ken may butiki sa likod mo." "Ay butiking bakla!" Napatayo ako ng wala sa oras habang tumatalon. Tinignan ko yung likod ko at wala akong nakita ni-anino ng butiki. Narinig ko siyang tumawa ng malakas. "Pakyu ka Claud!" Galit kong sigaw. "Takot ka pa rin sa butike? Kelaki mong tao." Tumawa siya ng tumawa. "Sasapatusin na kita!"  "Butiki na nickname mo ngayon." Anunsyo niya. Nanginginig ako sa pikon dahil sa bwisit na to. Alam niya namang hindi kaya ng resistensya ko mga butiki. "Mag start na tayo butiki." Pang-iinis niya. Cautious akong bumalik sa pagkakaupo dahil baka may butiki nga. Inirapan ko siya tsaka nilabas yung ipod at speaker ko sa bag, "mamaya na tayo mag start, jamming muna tayo."  "Ken. Gusto mo talaga makatikim?"  Nginitian ko siya ng nakakaloko tsaka nagpatugtog ng count to ten. "Tangina ka." Sabi niya. Sinabayan ko naman ng galaw yung beat ng kanta. Nakita ko siyang napa-facepalm tila di na ako kinakaya. "Whoo! Pagnatikman, baka di na mag ayawan kaya naman kanyang iniingatan." Sinabayan ko yung kanta. "Gago, rinig na rinig ka sa kabila." Di ko siya pinakinggan at patuloy lang kumanta. "..Count to 8, count to 9, count to ten!!! Whoo kantuteeeen!"  Binato niya ko ng papel para tumigil. Tumawa ako ng tumawa, "okay okay awat na." Pinalitan ko yung kanta sa otso pa.  Nakita ko siyang napa-buntong hininga sa pang bente na. "Miss, miss! Otsoh pa! O chupa, ibayad mo!.." Pagsabay ko sa kanta. Nakita kong tumayo si Claud habang ako nakanta pa rin.  Napatigil nalang ako sa pagkanta nung makita ko siyang may dalang walis-tambo pamalo. "Uy dre uy dre!" Lumayo agad ako habang tumatawa tsaka pinatay yung speaker. Nanlilisik naman yung mga mata niya. "Eto na eto na! Start na nga tayo." Hindi pa rin ako tumigil sa kakatawa, "kill joy naman neto. Ganda na ng kantuten tsaka chupain." Kinuha ko yung compiled papers. "Hayop ka."  "Alam mo kasi Claud, minsan lang to e. Nako kung iba ang kliyente ko hindi ako makakapag-ingay ng ganito." Huminga ako ng malalim dahil sa pagod katatawa. Hindi niya ko pinansin. Napaka-autistic talaga kahit kelan. Inilapag niya ang isang apple laptop sa lamesaan katabi ng mga folders. "Gawin mo yan ng maayos, wag kang chupa ng chupa. Ina ka." Tumawa ako sa sinabi niya at agad kinalikot yung laptop. Bumalik na siya sa pagkakaupo sa sahig at inayos ulit yung sequence ng folders. "Nice." Ang nasabi ko nalang nung mabuksan yung updated na laptop. Tinignan ko si Claud, "kailangan ba printed?" He looked at me wearing a sarcastic face, "try mo magsulat ng entire documentation ewan ko lang kung di ka tamarin." Nginusuan ko siya, "nakakatamad din kaya mag-type halerr." Tumingin siya sakin at nginitian ako ng mapait, "ako lang ang dapat tamarin dito. Wag kang gumaya." "Okey key." Inikot ko yung mata ko habang nakanguso. Nagsimula na ko sa pagre-research base sa nasa compiled papers. At kung ie-estimate para matapos ang project na to aabutin kami ng maghigit buwan kasama na ang testing. Naririnig ko ang walang tigil na pag-tik-tok ng orasan.  Anim na oras kaming tahimik sa apartment, ang pag type ko lang ang naririnig pati ang paglipat-lipat ng pahina ni Claud sa mga documents sa folder. Tutok na tutok ako sa screen at umabot na sa maximum file size na 32 mb ang buong text na natype ko sa word document. Limited ito kaya kinakailangan ko nang gumawa pa ng panibago. Naniningkit na ang mga mata ako at ilang beses na akong nakahikab. 10 na ng gabi at hindi pa kami naalis sa mga pwesto namin. Ang sakit na ng pwet ko sa kakaupo. Nag-inat ako ng katawan tsaka tinignan si Claud na seryoso at hindi pa rin nagdadamit. "Mag-suot ka nga ng damit." Sabi ko sakanya after mapanis ang laway dahil antagal kong hindi nagsalita. "Mainit pa rin kahit gabi." Balik na tugon niya. Ngumisi ako, "uy sorry ha. Nandito kasi ako eh." Taas-noong sabi ko sakanya. "Ulul. Hindi ka pa nga umaabot ng 30 degrees." Tinignan ko siya ng masama, "eh ikaw? Nasa negative ka nga sa sobrang lamig."  "Gago." "Nagugutom na ko." Hinimas ko yung tyan ko, hindi pa kami kumakain. "Kumain ka."  "Ano kakainin ko alikabok?"  "Edi labas. Bumili ka ng pagkain mo." Suplado talaga nito. "Hindi ka kakain?" Tanong ko. "Wala akong gana." "Sus! Ayaw mo lang lumabas."  "Alam mo pala nagtanong ka pa." Sabi niya habang hindi pa rin ako tinitignan. Busy sa ginagawa. Inilibot ko yung paningin ko sa apartment niya. Napatigil nalang ako at nagulat sa nakita ko, "Claud! Putapete. May aircon ka pala di mo sinasabe. s**t ka! Ang init kaya." Tinuturo ko yung naka-dikit na aircon sa mataas na sulok ng pader. "Di ka naman nagtanong." Sa hindi niya interesadong tono. "Putspa ka! Tinotorture mo tayong dalwa sa ilang oras na init jusko." Tumayo ako tsaka hinanap yung remote ng aircon, "nasaan yung remote?"  "Tignan mo sa may ibabaw ng drawer."  Tinignan ko ito at nandoon nga nakatambay yung remote.  "Hays! Kung di ko pa to nakita malamang lusaw na tayo dito." Exaggerated kong sabi tsaka pinower-on yung aircon. Napahinga ako ng malalim, "sawakas. Ang hangin ng kalangitan." Habang nilalasap ang lamig ng aircon. Umupo ako pabalik sa sofa at napatigil nalang nang may maamoy. "Claud anong pabango mo?" Tanong ko sakanya. Takte kasi! Bat ganun yung amoy? Ang bango. Kagaya nung highschool pa kami. "Wala." Sagot niya. "Sinungaleng! Sabihin mo na." Pilit ko sakanya. "Wala nga, nakakatamad magpabango. Ang baho pa tsaka ang tapang."  Nang sabihin niya yon ay napahinto ako sa paghinga. Napatayo nalang ako sa pagkagulat. Napatingin siya sakin, "bakit?"  Dahan-dahan akong nanginginig paupo sa sofa, "w-wala." Napalunok ako. Ibig sabihin sarili niya yon? Normal na amoy niya yon? Napahinga ako ng malalim. Putakte bakit nakakalibog? Sinuri ko siya full with suspicion. Hindi ako naniniwalang wala siyang ginagamit na pabango. Hindi pupwedeng wala!  Para akong mababaliw. "Ano bang ginagawa mo? Mukha kang timang." Nakataas ang isa niyang kilay. "Mag-o-overnight ba ako?" Tanong ko sakanya. "San ka ba nauwi?" "Sa Tagaytay." Nabigla siya, "seryoso ka? Hanggang ngayon sainyo ka parin nauwi?"  "Eh ano naman?" Asar to. Family guy ako no, di ko pwedeng iwan ang nanay, tatay at kapatid ko. Mangungulila ako sakanila. "Mag overnight ka nalang, gabi na rin." Sabi niya. "Gusto kong kumain." Ulit ko. "Kumain ka." Ulit niya din. "Ano kakainin ko alikabok?" "Hinde, butiki." Sabay turo sa likod ko. Napalingon agad ako sa likod ko kahit alam ko naman na nagloloko lang siya (malay niyo totoo). Tumawa siya, "isa lang higaan ko. Futon." "Diba sa Japan lang yon?" Tanong ko. Naningkit naman siya, "sa Japan lang ba pwede magka-futon? Meron din sa divisoria."  "Ano ka Japanese?" Tumawa-tawa ako. Binato niya ako ng damit niya. Sinalo ko naman ito tsaka inamoy, "kitams. May pabango to e! Sino niloko mo." Inamoy-amoy ko ulit takte! Ambango. "Ganon na ba ako kabango?" Nakangising sabi niya, binato ko pabalik sakanya yung damit niya at nasalo niya naman. "San ako matutulog?" Tanong ko. "Try mo sa sahig, pero kung gusto mo tumabi sakin libre naman." "Ows? Baka manyakin mo ko." Nang-aasar kong sabi. "Pwede rin." Ngumiti siya at kinilabutan ako. ___ Vote. Comment. Share #FlamingHeartKC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD