Nakaupo lang ako sa sofa habang pinagmamasdan ang ibang tauhan ni Khray na nakatayo ngayon sa harapan ko habang nilalatag ang sobrang raming litrato ko sa Nycolite at sa ibang lugar kung saan ako pumupunta noong pumapasok pa ako sa Nycolite. Ang sabi nila sa akin nakuha daw nila ito sa condo ni Vanxel na pinasok nila kahapon, kung hindi ko pinigilan si Khray kahapon malamang kasama siya sa mga pumasok sa condo ni Vanxel. Hindi ko alam ang sasabihin ko habang pinagmamasdan ang mga litrato ko. Ganon ba kalaki ang tama ko kay Vanxel na makakaya niyang gawin ito? Parang natakot ako bigla sa kanya dahil dito. Hindi ko ri mapigilang hindi magalit kay Vanxel dahil naiinis ako sa ginawa niya pero dahil sa kanya nalaman ko ang totoo, ang totoo na tuluyang bumago sa buhay ko. Ngunit naaawa na ako

