Abalang-abala ako sa paggagamot sa magkapatid ng biglang pumasok doon si Dart na napapakamot sa kanyang ulo. Maayos na ang lahay nilang dalawa pero kailangan parin nilang magpahinga. "Nasa labas ang ibang Captain ng Shereon Lady Nashi," mas lalong napabuntong hininga ako dahil wala akung choice kundi ang harapin sila lalo pa at nagpapahinga pa si Khray. "Susunod ako," ranging sagot ko kay Dart bago tinapos ang paggagamot sa kanila. Ng makatapos ako kaagad kung hinubad ang gloves ko at sumunod sa kanya sa labas. Ang Captain ng Shereon ay sila ang namumuno sa mga tauhan ni Khray sa ibang bansa. Ng makarating ako sa sala kaagad silang napatingin sa akin pataas-baba. Isa-isa ko silang tinignan at tinaasan ng kilay, alam ko namang kilala nila ako at hindi nila inaasahan na ako ang haharap

