Hindi ko alam ang maramdaman ko habang nakatingin sa pasyente ko na walang ng buhay at sa mga kamay ko mismo nawalan ng hininga. Hindi na bago ito sa akin pero talagang nasasaktan parin ako kapag may namatay na tao at ako mismo ang doctor nila. "Alam niya na malaki ang posibilidad na hindi siya makaligtas sa operasyon pero tinuloy niya parin at pumerma na ito na kung ano man ang mangyari sa kanya walang kasalanan ang doctor," hindi ko pinansin ang sinabi ng head nurse namin na ngayon ay kasama ko sa operation. Tinignan ko ang matandang babae na walang buhay. May kidney cancer kasi ito at nagbabasakali na maligtas ko siya kahit may edad na ito. Dahan-dahan kung hinawakan ang kamay nito. "I'm sorry," usal ko sa bangkay nito at dahan-dahang tumalikod sabay tanggal ng gloves ko at mask. Sa

