Pinisil ko ang nangangalay kung kamay habang pinagmamasdan ang kaulapan na nagdidilim at panigurado bubuhos ang malakas na ulan. Alas-singko na ng hapon at kakatapos lang ng schedule ko kaya wala na akung trabaho dito. Bigla akung napabalikwas ng tumunog ang cellphone ko at ng tignan ko ito mensahe ito mula kay Khray. Dalawang araw na ang nagdaan simula ng sagutan namin sa kanyang condo, iyon ang unang beses na nag-away kaming dalawa pero maayos na Naman kami ngayon. For now, nasa Italy ito at wala akung alam kung ano ang ginagawa niya doon. Ayaw ko naring malaman dahil baka mas lalong mag-alala lang ako sa kanya. For now ayos na naman ako at mabuti nalang ilang araw ng hindi nagpapakita si Vanxel na talaga namang pinagpapasalamat ko dahil kakabati lang namin ni Khray at hindi ko pa ala

