Malakas kung binato ang bag ko sa sofa ng apartment ko ng makauwi ako. Nasira na ang buong araw ko dahil sa ginawa ni Andrea. Malakas kasi ang kapit sa Nycolite kaya akala mo kung sino! Inamoy ko ang sarili kaya mas lalo akung napamura dahil sa lansa. Maligo ba naman ako ng dugo! Putangina lang talaga! Pasalamat nalang siya hindi ko siya nakita ulit ng matapos ang trabaho ko dahil kung nagkataon talagang gagawin kung basahan ang pagmumukha niya! Mabilis akung nagtungo sa kwarto ko upang kumuha ng tuwalya ng makapag paligo ako ulit. Ng mabasa ng tubig ang buong katawan ko galing sa shower bigla akung napakuyom. Kakabalik ko palang sa Nycolite at iyon na agad ang bubungad sa akin. Kung hindi lang ako kinausap ng director namin kanina talagang babalikan ko ang babaeng iyon pero nahihiya a

