Nakatayo ako sa harapan ng Nycolite habang pinagmamasdan si Van na pababa sa kanyang kotse. Hindi ko alam kung samama ba ako sa kanya o hindi, pero pumayag na ako sa kanya kanina kaya nahihiya na akung umurong. At hanggang ngayon nakapatay parin ang cellphone ko na sigurado ako kanina pa tinatawagan ni Khray. Nakangiti ako nitong sinalubong at pinagbuksan ng kotse. "Thank you Sheraphin," saad nito habang hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Your welcome," sagot ko at tuluyan ng pumasok sa kotse. Ng maisarado nito ang pinto ng kotse kaagad akung napabuntong hininga ng malalim. Lagot ako nito kay Khray. Noon si Van din ang dahilan kung bakit ito bumalik sa apartment ko at nilagyan ako ng kiss mark sa leeg at ito na naman ngayon. Lagot na talaga ako nito. Kung makikipag-usap

