Napatingin ako kay Keiry na ngayon ay nakayakap kay Mikay na matalik na kaibigan ni Sheraphin na ngayon ay humahagulgol ng iyak dahil aalis na kami ni Keiry upang kunin si Sheraphin na ngayon ay hawak na ni Vanxel. Bawat sigundo ay nababaliw ako sa kalagayan ng mag-ina na talaga namang kinagago ng sarili ko. Ngayon niya pa talaga kinuha si Sheraphin na kung saan buntis na. Gusto kung matuwa dahil magkakaanak na kami pero at the same time natatakot ako sa kalagayan nila ngayon. Ng kausapin ko si Ghena ang OB niya ang sabi nito medyo masilan ang pagbubuntis niya dahil nga sa mga naranasan nito noon sa kamay ng mga sindikato kaya kaunting suntok o sakit sa kanya magiging delikado ang buhay nila. "Stopr crying please," kahit paano napangiti sa sinabi ni Keiry kay Mikay. Akala ko hindi ko na

