Nagising ako na ramdam ang pananakit ng buong katawan ko at ang ulo ko. Dahan-dahan kung hinimas ang ulo ko sabay ikot ng paningin ko sa buong paligid. Patay na ang ilaw sa silid na ito at tanging ang apoy nalang sa mesa na nasa kandila ang nagbibigay ilaw sa buong silid. Kaagaran kung hinaplos ang tiyan ko at maayos na sumandal sa pader. Kahit na ang paa ko namamanhid na sa sakit dulot ng pagkakatali ng kadena. Nagiging manhid na buong katawan ko dahil sa sakit na dinanas ko noon palang. Maraming naghilom na mga sugat sa katawan ko dulot ng mga karanasan ko sa mga demonyong tao. Aaminin kung mas malala ang dinadanas ko ngayon dahil sa buntis ako at delikado ang magiging lagay ng anak ko. "Gising kana pala," kaagad na napatingin ako sa lalaking pumasok sa silid habang may dalang sam

