Muling Baliktanaw: Cassandra at Guido Kung babalikan natin ang eksena, ilang dekada na rin ang nagdaan, kung saan unang nagtagpo sina Cassandra na isang dancer sa isang club at Guido na lasenggero't sugarol na asawa ni Miling, iba ang naramdaman ng dalagita sa kaniyang noo'y bagong-kakilala at customer. Sa masaklap na gabing iyon, kung saan nakuha pa ng dalawa na gumamit ng ipinagbabawal na droga na shabu sa banyo at di-kalauna'y kapuwa dinapuan ng matinding libog at pananabik na tugunan ang tawag ng kalamnan, sa masaklap na gabing iyon ay may naganap na raid ang pulisya. Dinala sa presinto ang lahat ng naroroon sa club, maging natratrabaho man doon o walang-kamuwang muwang na costumer man. Bagaman bagansiya lamang ang inabot ng dalawa, magkaiba naman ang nangyari nang sila'y nasa presin

