Muling Baliktanaw: Jessie at Miling Kung tatanungin si Jessie at Miling kung may langit bang maituturing sa lupa, marahil ay magkaparehas ang kanilang magiging sagot. Oo, may langit sa lupa. Noong magkaklase pa sila sa hayskul at anibersaryo nila ay minsang sumulat si Jessie ng isang liham ng pag-ibig kay Miling, na malambing niyang tinatawag bilang Pangga, o Ga: Ga, Ilalatag kita Sa damuhang banig ng ating pag-ibig At doo'y kukumutan ng malamyos na lilim Ng isang puno ng akasya. Yakaping Mahigpit ang pinagkakasyang malambot na unan Ng aking hita at ipikit ang mga matang Idinuduyan sa pisngi ng langit Ang isang ngiting maluwalhati. Sa lambong ng isang katanghaliang araw Ay malambing kong ititirik Ang binantog nating pangarap, Habang sinusuyod ng aking mga daliring sukla

