Ang Pagbabagong-Anyo "Hello, Diego!" May lambing at pag-aalala ang tono ng tinig ni Luke sa kausap, na bihira niyang iparamdam maski kanino. "Oo, kinukumpirma ko sa 'yo 'yung huling group text message. Wala munang susugod sa baryo ngayong gabi. Ah, okay! Magaling! Basta sabihin mo ay "stay put" lang muna sila... By the way, pagkatapos ng tawag na ito ay agad kang dumiretso dito. Oo, dito sa munting kubo sa hasyenda ni Mayor. May mahalagang ipagagawa sa 'yo si Mayor. Sige, ingat." Tulad ng nakasanayan na ng dalawang batang aswang at magkaniig, naunang magbaba ng cellphone si Luke kaysa kay Diego. Mababakas pa sa katawan ni Diego ang mga bugbog at pasa na inabot niya sa kamay ng mga bata ng alkalde. Isama pa dito ang pagbaril sa kaniya ng mga punlang may laman na banal na tubig. Sa katunay

