Tinitigan sa mata ni Lea ang nagugulumihanang pinsan ni Arvin. Maya-maya pa'y dinukot ni Ramon ang kaniyang cellphone sa bulsa. May tinawagan siya, subalit walang sumasagot. Iniwasan niya ang titig ng babaeng naghahalo ang kaba at galit sa dibdib. "Hoy, Ramoncito! Ang pinakaayoko sa lahat ay ang pinaglololoko ako! Lalo na kung ang usapan ay tungkol kay Arvin! Ngayon, magsalita ka: nasaan na siya?" Nanliliit si Ramon sa mga katagang binitiwan ng asawa ng pinsan niya. Ngunit wala rin siyang kamuwang-muwang kung bakit wala sina Arvin at Padre Aquino sa simbahan. "Ah, eh, Manang Lea, maghunosdili ka muna at umupo ka muna dito." Bitbit ni Ramon ang isang upuan at inalok ito sa babae. Subalit tinanggihan ito ni Lea. Sa halip ay pinakilos nito ang mga mata sa palibot ng silid. Malinaw kay Le

