Ang Sakristan sa Loob at Labas ng Simbahan Naging sentro man ng atensiyon ng mga hybrid na aswang ang batang bihag nilang si Damian noong mga nakaraang araw, ngayon ay tila may dumapo nang sakit dito na imbes na pangilagan ito ng mga kabataang mangalok, tila mas kinagiliwan pa nila - ang sakit na kung tawagin sa Ingles ay Stockholm syndrome. Maiging alamin natin kung ano ba ang mga sintomas ng sakit na ito, dahil hindi malayong makapanghawa ito sa ibang tauhan ng ating kuwento. Tulad na lamang, halimbawa, sa babaeng nakaupo't nakagapos sa ilalim ng isang puno ng balete, o sa lalaking nakagapos mismo sa isang puno ng balete. Ano nga ba ang Stockholm syndrome? Ang Stockholm syndrome ay isang sikolohikal na responde kung saan ang isang bihag ay nakikita na ang sarili sa katauhan ng bumih

