Pansamantalang Pagwawakas ng Unang Bahagi ng Haguhit: Isang Singaw ng Kasaysayan Mula sa Pangawan ng Kutang Simbahan Di maitatatwa na sangktwaryo ng mga hybrid na mangalok ang bundok ng San Kristobal. Bukodtanging si Diego lamang ang hybrid na aswang na nakakapagpabago ng anyo upang siya'y makadayo sa kabilang ibayo, halimbawa, ng Kulyaw; at kung nanaisin niya'y maaari pa siyang maglakbay nang tulad sa isang puristang aswang. Ang pagkakaiba nga lamang ni Diego sa tulad ni Arvin ay ang kulay ng kaniyang dugo. Kung kaya si Diego ang inaasahan ng lahat ng hybrid na nasa San Kristobal na may malaking pananagutan sa pagmatyag ng kanilang sangktwaryo laban sa sinumang mapapadpad sa lugar. Dahil na rin sa pagkaabala ni Luke sa paglilibang ng kaniyang bagong kinagigiliwang alaga, si Damian, h

