Sa Ngalan ng Ama, sa Ngalan ng Anak Ito ang unang pagkakataong nagpakita sa isang panaginip ni Arvin ang kaniyang ina na si Miling. Bagaman sa simula’y malabo ang eksena sa kaniyang panagimpan, natanto niyang tinig ng ina ang kaniyang naririnig dahil inulit nito ang pinakahuling habilin sa anak noong ito’y nabuhuhay pa. “Anak, Arvin, kapag wala na ako ha, ipangako mo sa akin na hinding-hindi ka na babalik sa Tagamingwit. Basta. Huwag ka nang bumalik doon ha? Anak, ipangako mo sa akin. Basta…” Binatilyo pa lamang si Arvin noon. Palibhasa’y laking-Maynila, tila balewala sa kaniya kung mapako man ang ipinangako niya sa kaniyang ina bago pa man ito sumakabilang-buhay. Sa simula ng panaginip ni Arvin, ginugunita niya ang ilang eksena noong libing ng ina. Subalit may ilang eksena din na til

