Si Lea, ayon kay Arvin Mabugal (Unang Bahagi) Noong simula, inisip ng kaniyang pamilya na ako’y hangin na dumating lamang sa buhay nila upang siya’y tangayin. Lalo na nang mauntog ko ng pinto ang mukha ng kaniyang ama at muntikan nang mabakli ang kaawaawang ilong nung matanda. Tinitigan ako ng kaniyang dalawang kuya na para bang tinitimbang nila ang aking kakayahang patumbahin ang kanilang luma ngunit napakataas na bungalow na ang tanging kasangkapan ko lamang ay ang aking mga kamao. Siyempre pa, nagkakamali sila. Hindi ako ang hangin. Kahit pa pinaramdam nilang hangin ako. Kahit pa sa sandaling iyon ay ninais ko na nga sana na maging tunay na hangin. Hindi nakikita, ngunit nandodoon – para sa kaniya. At hindi kung saan-saan na lamang pakalat-kalat sa daan sa disi-oras ng gabi habang wala

