Kabado si Sean. Hindi na kasi muli pang umimik si Dona. Ni hindi ito tumutol. Nilingon nya ang babae, medyo nabawasan na ang panginginig ng mga kamay nito dahil sa insidenteng nangyari. Muling nagpuyos sa galit ang dibdib ni Sean nang maalala ang nasaksihan na ginagawa sa nobya. Kung di lamang nya iniisip na ikakasal pa sila ni Dona, nais na sana nyang patayin ang m******s na driver na iyon. Tinangka nyang haplusin ang isang kamay ni Dona, ngunit bahagya itong umiwas. Hindi rin sya nililingon ng babae. Tutok lang ang mukha nito sa bintana ng sasakyan. “Dona… say something,” sumamo nya sa nobya. “Kapag may nakita kang fastfood, pakibaba mo ko ron. Mag-C-CR lang ako,” mahinang sabi nito sa kanya. “Okay.” Sumapit sila sa isang kilalang fastfood. Palibhasa ay daanan ng mga

