“Kelan pa?” “Mia --” “Kelan nyo pa ko nilolokong dalawa?! Alam mong una syang naging akin, Dona!” Kulang na lamang ay busalan ni Dona ang bunganga ng kaibigan. Todo takip sya sa bibig nito dahil baka may iba pang makarinig. Sinenyasan naman nya si Sean na lumabas na muna at bumuli ng makakain. Nasa bahay pa rin sila ni Lola Jolens. “Ano ba, Mia, makinig ka nga muna! Saka anong una syang naging sa'yo? Walang kayo, gaga!” Gigil na inalis nito ang kamay nya na nakatakip sa bibig nito. “Hoy! Dona, ikaw ang imoral dito, kaya wag mong ibahin ang usapan! Di ka ba natatakot sa karma huh, pinsan mo nilalaplap mo, bruha ka!” nahablot ni Mia ang dulo ng kanyang buhok. “Aray! Hindi ko pinsan si Sean!” Sinabi nya iyon sa mukha ni Mia na magkadikit ang mga ngipin at halos hindi

