‘MONTERO HOSPITAL’ Basa ni Dona sa hospital na pinagdalhan nila sa matanda. Di na nya kailangan pang mag-usisa kay Sean kung bakit doon sila sa pinakamahal na ospital na iyon dinala ng lalaki kanina nang puntahan nila ang matanda sa center. Pagkababa pa lamang nila ng sasakyan ay umani na kaagad si Sean ng mapanuring tingin sa mga taga-compound na nagbabantay sa matanda. Di man nya nagawang magpaliwanag sa mga ito ay nasisiguro nya na kabi-kabilang tanong ang matatamo kapag nagkaroon ang mga ito ng pagkakataon na makausap sya. Ano na lamang kaya ang magiging reaksyon ng mga taga-compound kapag nalaman nila na ang lalaking ipinakilala nyang pinsan at inalagaan ng mga ito ay sya palang gigiba at mag-aalis ng karapatan nila sa kanilang mga tahanan. Nilingon ni Dona si Lola Jolens

