“Dona, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Makoy sa kanya. Parang biglang nawalan ng gana sa buhay si Dona dahil sa sinabi sa kanya ni Sean. Saan ba sya pinaka‑nalulungkot, sa nalalapit na pagpapaalis sa kanila sa compund o sa hindi na pagtira sa kanilang bahay ni Sean? Tumango sya sa kaibigan at pilit nilangkapan ng saya ang matamlay nyang ngiti. Nakakahiya naman kasi kay Makoy kung ipapakita nya ang matinding kalungkutan dahil lang sa ibinalita ni Sean. Todo effort pa naman ang lalaki sa date nila at pagpapasaya sa kanya nang araw na yon. “Eh ano pang ginagawa mo ryan? Tara na. Nakakuha na ko ng pwesto mo sa jeep. Sasabit na lang ako.” Nakangiting inilahad ni Makoy ang isang kamay nito. Inabot nya naman iyon. “Sasabit ka? Ang lakas na ng ulan oh. Mababasa ka nyan. Saya

