Sa kabila ng matatalim na paghugot ng hininga at sulyapan ng mga mata ng mga taong nakapalibot sa mahabang lamesa ay nanatiling kampanteng nakaupo at nakasandal sa swivel chair si Sean. Nagpatawag ng meeting ang isa sa mga shareholders ng hotel na si Mr. Krust. Isa ito sa mga nangunguna at kating-kati na burahin sa harap ng Montero Hotels ang compound nina Dona. Padabog na ibinaba nito sa mesa ang folder na hawak. “Mr. Montero… sa tinagal-tagal na nakasama kita sa negosyo, ngayon lang ako nabagalan sa trabaho mo. Ano nang nangyari sa basurang nasa harap ng hotel natin?” taas ang isang kilay na tanong sa kanya ng matandang lalaki, si Mr. Krust. “Mr. Krust is right, Mr. Montero,” segunda ni Mr. Gordon, isa pang shareholder. “Just look at the reviews na nagkalat ngayon sa mga trav

