Chapter 3

1605 Words
Urong-sulong ang peg ni Dona. Kung kasama lang nya si Mia ay baka sinakal na nya dahil sa ideya nito na puntahan si Mr. Montero. Naisip na nya ang mga sasabihin kapag nakaharap na ang lalaki. Na-imagine na nya ang mga maaring mangyari at buo na ang kanyang loob, pero iba talaga kapag nandun na sa sitwasyon na yon.   Isa pa ay ni hindi nga sya sigurado kung makikita nga nya ito. Tinawagan kasi nya ang numero na nasa card at humingi sya ng appointment. Pero ang sagot sa kanya ay hindi nakikipagkita si Mr. Montero sa kung sino-sino lang. Tama nga naman. Sino ba sya para mag-demand ng meeting sa isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas, at maging sa mundo? Pero hindi sya sumuko at heto na nga sya sa loob ng Montero Hotels Corporate Center, ang building na kinaroroonan ng opisina ni Sean Montero. At hindi sya aalis don hangga't hindi nya nakakausap ang lalaki.   Nag-research naman sya bago sya pumunta roon at binasa ang anumang makita nyang tungkol sa mga Montero. Yumao na pala ang matandang Montero at nahati ang imperyo nito sa apat na anak na lalaki - sina Sean, Brad, Monty at Isaac.  Si Sean ang nagmana ng hotels at malls, ang taong pakay nya ngayon. Si Brad naman sa resorts at airline. Si Monty ang naiwan sa mga sasakyan na pang-lupa at pangtubig. Si Isaac naman ang namamahala sa mga ospital.   Hanggang doon lang ang nalaman nya. Wala kasing kahit anong personal na impormasyon tungkol sa apat, edad, mga hilig, mga kinaaayawan, pag-ibig... pag-ibig? Bakit ka naman interisado sa buhay pag-ibig ha, Dona? Kahit mga larawan sa internet ay wala. Nabasa nya rin na importante sa mga ito ang privacy, kaya nananatiling misteryoso ang mga ito.   Hindi nya tuloy maiwasang hulaan ang hitsura ni Sean. Gwapo siguro dahil anak mayaman. May asawa na kaya? Kung wala pa ay siguradong may girlfriend na ito... o girlfriend nga ba ang hanap? O baka naman hindi kagwapuhan o kaya ay obese kaya ayaw magpakita. Pero bakit ba nya iniisip ang mga bagay na yan, eh hindi naman sya pumunta don para makipagdate.   Napaisip din sya kung gaano makapangyarihan ang magkakapatid upang pati ang internet at media ay maiwasan ng mga ito.   Nasa harap na sya ngayon ng reception, sa gitna ng mga abalang tao.   "Good morning, ma'am. How can I help you?" bati sa kanya ng babaeng receptionist.   "Good morning. Gusto ko sanang makita si Mr. Sean Montero." Napatingin ang lahat nang naroon sa kanya. Ang iba ay mula sa kanyang mukha pababa sa paa at pabalik sa mukha. Hindi naman nya masisisi ang mga ito. Hindi kasi bagay ang suot nyang pink blouse na pinatungan ng maong na jacket at pinarisan ng maong ding jeans at rubber shoes sa pagka-pormal ng lugar. Ang lahat maliban sa kanya, kung hindi naka-suit at slacks ay naka-blazer at skirt. Pormahang pang-opisina.   "Can I get your name, please?" Nakangiti naman ang babaeng kausap.   "Dona Peña," nakangiti rin nyang sagot.   "Yes. Mr. Montero is expecting you."   Literal na napabuka ang kanyang bibig at napakunot ang kanyang noo. Papaanong inaasahan sya ng lalaki, eh tinanggihan nga sya ng nakausap sa telepono.   "Follow me, please, Ms. Peña."   Nakanganga pa rin syang sumunod dito. Dinala sya ng babae sa isang elevator na nakahiwalay sa iba pang elevator na pinipilahan ng mga empleyado at ibang bisita. Sabay silang sumakay ng elevator. Pinindot ng kasama nya ang "P" na buton, penthouse.   Ang pag-akyat ng elevator ay lalong nagpakabog ng kanyang dibdib. Ilang saglit lang ay bumukas na ulit ang elevator at tumambad sa kanya ang isang malawak at marangyang bulwagan. Katapat sa di kalayuan ng elevator ang isang pinto, at sa tabi ng pintong iyon ay isang table. Marahil ay table iyon ng sekretarya.   Paghakbang nya palabas ay syang pagsara ng elevator. Nilingon nya iyon at nasilip pa sa pasarang pinto ang kasama nyang babae. Walanjo, iniwan sya nang wala man lang instructions. Naiwan syang nag-iisa at walang kahit sinong mapagtatanungan.   "Paano kaya 'to? Pwede na kaya akong pumasok? Ang sabi naman nung babae inaasahan ni Mr.  Montero ang pagdating ko." Kung may nakakakita lang sa kanya ay aakalaing baliw sya na kinakausap ang sarili. Urong sulong din sya kung papasukin na nya ang nag-iisang pinto.   "Bahala na. Kasalanan naman nila, walang tao ditong mapagtatanungan."   Tinungo nya ang pinto at walang sabi-sabing binuksan iyon para lamang makita ang isang nakatalikod na lalaki sa kabila ng lamesa. Sa harap nito ay may isa pang lalaki na may kung anong ginagawa na hindi nya makita dahil nahaharangan iyon.   Napatingin sa kanya ang dalawa na halatang nagulat sa biglaang pagbukas nya ng pinto. Sya naman ay otomatikong naisara ulit iyon.   "Anu ba yan, Dona! Bakit ba kasi hindi ka kumatok?!" pabulong nyang pagalit sa sarili. "May upuan kasi oh, bakit di ka umupo dun at maghintay."   Hindi nya maiwasan ang isipin ang nakitang eksena. Mukhang bading pa ata si Mr.  Montero! Pero sino ba si Sean sa dalawang yun? O baka naman wala dun ang taong pakay nya at mga bisita lamang ang nakita nya. Eh ano naman kung bading? Wala naman yung kinalaman sa totoong sadya nya, ang ipakiusap na huwag nang bilhin ang compound nila.   Bumukas ang pintong binuksan nya kanina at iniluwa ang isang lalaki, ang lalaking may kung anong ginagawa sa lalaking nakatalikod kanina.   "Mr. Montero will see you now," nakangiting sabi nito sa kanya.   Huminga muna sya nang malalim bago pumasok. Ang lalaking nakatalikod kanina ay prenteng nakaupo at nakasandal na ngayon sa swivel chair nito.   "Take a seat, Ms. Peña." Iginaya sya nito sa upuan na nasa harap ng mesa.   Habang paupo ay hindi nya mapigilang tignan ang mukha ng lalaki. Ibang klase ang dating at kagwapuhan nito. Mula sa buhok nitong malinis ang gupit, mapungay na mga mata at mahabang pilikmata na natatakpan ng salamin, matangos nitong ilong, manipis at pulang labi na kinaiibabawan ng manipis ding bigote, hanggang sa cleft chin nito na natatabunan ng papatubong balbas, lahat perfect. Kaso bading yata, sayang naman.   "I'm not gay," basag nito sa titig nya.   "Hmm?" Maang-maangan pa sya.   "I know that look."   Kunot noo lang ang isinagot nya. Kinarir ang pagka-inosente.   "It's the tie. Hindi ako marunong mag-tie. So my secretary - who I assume you've met outside - helps me with it. Yun ang nakita mo kanina. And he's not gay, by the way."   Hindi maipintang ngiti lamang ang naitugon nya. Kasi naman, nakita lang ang dalawang lalaki na may kung anong ginagawa, bading agad? Hindi ba pwedeng nag-aayos lang ng tie?   "So what brings you here, Ms. Peña?"   Heto na ang pinagpraktisan nyang sabihin.   "Isa ako sa mga residente ng compound na gustong bilhin ng Montero --"   "I know who you are. Alam ko rin na gusto kong bilhin ang compound nyo. Just get to the point and be done with it. May ideya ako kung anong pakay mo sa pagpunta rito, pero gusto kong manggaling iyon sa'yo."   'Loko 'to ah, hindi man lang ako pinatapos. Sayang naman yung inensayo ko,' sa isip-isip nya.   Huminga muna sya nang malalim.   "Makikiusap sana ko na huwag mo nang ituloy ang pagbili ng compound."   "Convince me."   "Huh?"   "Bakit hindi ko dapat bilhin ang compound nyo. Convince me."   "Importante kay Lola Jolens at Mang Pepe ang bahay --"   "I already know their stories. Sinabi sakin ni Engineer Busete ang lahat nang nangyari sa meeting, kasama na ang ginawa mong speech. I'm actually impressed. That's why I agreed to meet with you. Na-curious ako. Hindi mo sinabi ang dahilan mo kung bakit ayaw mong bitawan ang bahay nyo. What's your story?"   "Ang mama ko." Nagtagis ang kanyang bagang. Hindi nya inaasahan na mapipilitan syang ikwento ang buhay nya sa isang estranghero na kaharap nya ngayon. "Iniwan nya kami ng papa ko sampung taon na ang nakakaraan. Wala kaming kahit anong contact sa kanya. Umaasa pa rin kami ng papa ko na isang araw ay babalik sya, at alam nya kung saan kami babalikan. Wala kaming kamag-anakan, kaya ang bahay na yon na lang ang natitirang koneksyon namin. Kung aalis kami, paano malalaman ng mama ko kung saan kami hahanapin?"   Pinahid ni Dona ang kumawalang luha sa kanyang mata. "Ngayon alam mo na ang dahilan ko. Importante sa amin ang bahay na yon. At hindi lang ang bahay namin, pati ang buong compound. Gaya ng sabi ko, wala kaming kamag-anakan ng papa ko, at ang compound na lang ang matatawag naming pamilya na meron kami. Kung titira ka lang sa amin, kahit isang buwan lang, o kahit isang linggo, makikilala mo sila. Makikita mo kung saan nanggagaling ang sinasabi ko, at siguradong magbabago ang isip mo."   "Paano kung hindi magbago ang isip ko?"   "Huh?"   "Sabi mo kung titira ako sa inyo, makikilala ko sila at makikita ko ang sinasabi mong kakaibang samahan nyo, at siguradong magbabago ang isip ko. Paano kung hindi magbago ang isip ko?"   Hindi nya inakala na ang bilyonaryong 'to ay seseryosohin ang sinabi nya. Nagpapaliwanag lang naman sya, hindi naghahamon. Pero hindi rin naman masamang ideya yon.   "Ibibigay ko ang bahay namin nang libre."   What the hell?!!! Ano bang nasabi nya?! 'Pwede pang bawiin, Dona. Bawiin mo. Bawiin mo!'   Ngumisi nang nakakaloko ang lalaking kaharap nya. Poker face naman sya na nakatitig lang pabalik sa kausap.   "Then you have deal."   Pwede pang bawiin!   "Okay. Deal." Ma-pride ang lola nyo.   "One month. After that, your house is either yours or mine."   Hindi nya maiwasan ang mapalunok. Ano ba 'tong napasok nya? Tango lamang ang isinagot nya at tumayo na sya ang walang paalam na tumalikod patungo sa pinto palabas.   "A piece of advice, Ms. Peña."   Natigilan sya sa pahabol ni Sean.   "You and your dad need to move on with your lives. Your mom moved on with hers."   Matinding pagpipigil ang ginawa nya para sagutin ang panghuhusga ng lalaking ni hindi pa nakikilala ang kanyang ina o ang dahilan ng pag-alis nito. Kuyom ang mga kamay na nagpatuloy na lamang sya sa paglakad.   Itutuloy... Please Like and Follow <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD