“Asshole! I'm crazy huh?” tukoy ni Sean sa sarili.
Nasa hardin ng kanilang mansyon ngayon si Sean. Para syang baliw na nakangiti mag-isa. Kapag naaalala nya kasi ang nangyari kahapon ay hindi sya makapaniwala sa kasunduan na napasok nya. Paanong ang isang katulad nya ay napapayag na tumira sa ganoong lugar, hindi lamang isang araw o isang linggo, kundi isang buwan.
Hindi naman nya kailangang gawin iyon. Makapangyarihan ang pamilya nya. Kaliwa't kanan ang koneksyon. Ang mga pulitiko ay nag-uunahan para bigyan sya ng pabor. Sa isang pitik lang ng daliri nya ay kaya nyang angkinin ang compound. Pero hindi naman halang ang kanyang kaluluwa. Hangga't maari ay nais nyang makuha ang gusto nya sa patas na paraan.
Isa pa ay may iba kay Dona na parang gusto nyang makilala. Tama nga si Mr. Busete, may kakaibang kakayahan ang dalaga na makumbinse ang sinumang makausap nito. Siguro ay dahil sa mga salita nitong kakikitaan ng sinseridad. Alam nyang mula sa puso ang bawat salitang binitiwan ng kausap kahapon.
Hindi lang iyon, may kakaibang ganda si Dona. Gandang palaban!
“Saan ka pa kaya palaban, Ms. Peña?” napangisi si Sean.
Hihigop pa sana sya ng kape nang mahawakan ang tasa na halos malamig na. Tatayo na lamang sa pagkakaupo nang mapukaw ang kanyang atensyon ng babaeng lumundag sa swimming pool. Napasipol pa sya nang mag-float ito. Tumambad kasi ang bilog na bilog at makinis na dibdib ng babae.
“You want?” sabi ng isang tinig sa kanyang likuran.
“Monty, bro! Maaga ka yata ngayon?” puna nya rito. Naka-boxer lamang ang kapatid.
Si Monty, isang car racer, ang pangalawa sa kanya sa magkakapatid. Mahilig sa sasakyan at mahilig sa mga babae. Hula nya ay iniuwi nito kagabi ang babaeng nasa pool ngayon.
“Ikaw na ang magising na may sumisipsip sa'yo, ewan ko na lang.”
“f**k you, bro! Araw-araw na lang iba-iba ang tumatalon sa pool na yan. But this one, bilib na talaga ko sa taste mo.”
“Sa'yo na kung gusto mo,” sabay suntok ni Monty sa balikat nya.
Nagmiddle finger naman sya sa kapatid. “Hindi ako tumatanggap ng tira-tira.” Tumalikod na sya at pumasok ng bahay. Dinig pa nya ang halakhak ni Monty.
>>>>
“Para! Para! Lintik na driver 'to ah, bingi!” inis na inis si Dona. Halos magkikinse minutos na syang nasa sakayan at wala pa ring masakyan na jeep. Kung hindi puno ay mga harabas naman sa pagpapaandar, kaya hindi na halos mapansin ang pagpara nya.
Sinipat nya ulit ang relong tigtu-two hundred fifty. Imitation iyon ng relong G-Shock. Nang masipat ang oras ay muli nyang tinakluban ng longsleeved nyang uniform ang braso. Mahirap na, baka mahold-up pa sya. Hindi pa naman sya tapos sa pagbabayad ng relo. Kinuha nya iyon sa bumbay, bente araw-araw.
“Namputsa, late na ko,” tukoy nya sa bar na pinapasukan kapag gabi. Waitress sya sa isang pipitsuging fine dining sa umaga at bartender naman sa isang sikat na bar para sa mga mayayaman sa gabi.
Kayod kalabaw ang drama nya, lalo pa at may mga asungot na nagtatangkang bilhin ang lupang kinatitirikan ng buong compound nila.
Napabuntong hininga sya nang maalala ang gwapong mukha ni Mr. Montero. s**t! s**t talaga! akala nya ay sa TV lamang sya makakakita ng ganoong hitsura, sa personal din pala. At hindi lang yon, makakasama pa nya.
Gustuhin man nyang kiligin pero pass muna sya don. May plano ang lalaking iyon, kaya dapat ay kalaban ang ituring nya rito.
“Pero shet, gwapo talaga! Pano ba yun? Mapapili nga si Mr. Montero, puri ko o lupa?” natatawa nyang kausap sa sarili.
“Hoy! Sino namang kausap mo dyan huh?”
“Ay amoy lupa!” gulat na napahawak si Dona sa dibdib nya. “Mia, ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?”
“Hindi ako nanggugulat. Magugulatin ka lang talaga. Late ka na sa bar. Maaga magbubukas ngayon, may pabanda si bossing.”
“Eto na nga. Wala kasi akong masakyan.”
“Ewan ko sa'yo, Dona. Kung nilakad mo na lang ba, eh di nakarating ka na. Oh sya, mauna na ko sa'yo. Wala pa kong tulog.”
Napakamot sya ng ulo. Mukha ngang wala pang tulog ang kaibigan. Bukod sa magkatrabaho sila nito sa bar, eh magkapitbahay din sila. Kaya anong sinasabi nito na mauna na?
“Magkapitbahay tayo di ba?” kalabit nya rito nang akmang aalis na.
“OO,” tamad na sagot nito.
“Eh anong sinasabi mong mauna?”
“Mauna na kong maglakad pauwi. Wala akong pamasahe eh, unless ililibre mo ko.”
Napairap sya sa kawalan. Lalo ata syang na-stress sa ka-krungkrungan ng babae. Sya namang dating ng isang uugod-ugod na pampasaherong jeep.
“Mia, tara na, libre na kita. Wag ka nang maarte.” Hinatak na nya ito. Pagkaupo pa lamang ng jeep ay humihilik na ang kanyang kaibigan.
At di nga sya nagkamali sa pagpili ng masasakyan. Mas makupad pa sa s**o ang jeep na kulang na lamang ay sa junk shop na iparada. Magaalas-dyes na ng gabi sya nakauwi. Late na sya ng dalawang oras sa bar.
“Tay? Tay? Ayon tulog si Itay!” inilapag nya na lamang basta ang dalang pansit sa mesa at dumiretso na ng banyo.
Natutulog ang ama nya sa upuang kawayan sa maliit nilang sala. As usual, may alak na nakatumba sa sahig nila.
Hindi na sya nag-abalang magbukas ng ilaw at kinuha na lamang basta ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto. May pagmamadaling tinungo nya ang CR at walang kasimbilis na naligo. Kung noon ay may pababad-babad pa syang nalalaman, ngayon ay nag-ala-ninja moves sya. Buhos—shampoo—next time na ang sabon—buhos—tapos!
Nagtapis na sya ng tuwalya at pumasok na ng sariling silid. Take note, sya lang ang may silid. Pa-rich kid. Nagkandapatid pa sya sa tila tali ng bag. Pagkasuot ng bra at panty ay ibinagsak na nya sa sahig ang tuwalyang nakatapis sa katawan. Saka nya lamang naalala na kailangan nya nga palang buksan ang ilaw.
Pinindot nya ang switch ng ilaw at hinanap ang palda na isusuot sa bar.
“Ahhh!!! Hirap matulog sa papag mo, ang tigas.”
Napaunat si Dona na kanina ay tuwad na tuwad sa paghahanap ng palda.
“May nagsalita ba?”
“Wow! Nice legs…”
Naningas ang kanyang likod nang mapagtantong may nagsasalita nga. At hindi lang yon, boses ng lalaki ang nagsasalita sa kanyang likuran. Mabagal syang humarap kahit pa ayaw sumunod ng kanyang leeg. Anong panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang lalaking nakasando at naka-boxer lang sa ibabaw ng papag na tulugan nya.
“Mr. Mo-Mo-Mon--”
“MON-TE-RO! Repeat after me, baby.”
“DeMONyo! Paano ka nakapasok dito?!” Hindi malaman ni Dona kung papaano tatakpan ang sarili sa harapan ng lalaking wagas makangisi.
“Pinapasok ako ng tatay mo. Tinatanong ko kung nasaan ka, di naman nagsasalita. Tumuloy ako dito sa kwarto mo. Kapagod, wala pa kong tulog dahil sa maghapong meeting.”
“Sinabi ko bang magkwento ka?! Anong ginagawa mo rito?!”
“May usapan tayo di ba? Kaya ako nandito. Remember, Ms. Peña?” Tumaas taas pa ang dalawang makapal na kilay ng lalaki.
“Wala ka man lang abiso!” nanggagalaiting sabi nya, habang isa-isang isinusuot ang uniform nya sa bar. Hirap na hirap sya dahil sa tuwalyang pilit itinatakip sa katawan.
“Understood na yon! Pinilit kong tapusin ang mga meetings at trabho ko sa office para sa kasunduan natin. Nag-abiso naman ako eh. Ang aga ko pumunta rito, kaso wala ka nga. Natulog na lang muna ko,” paliwanag ng lalaki at muling humilata sa kama.
Kaso ang loko, sa kanya pa rin nakatingin. Prenteng humiga ang lalaki at pinanood syang hirap na hirap sa pagbibihis. Tilala nagmu-movie marathon ang drama ng gwapo...este gago!
“Pwede ba wag mo kong panoorin!”
“Tsss!” Numunod naman ito at naglihis ng tingin. Dinukot ang cellphone sa bulsa ng pantalon at nagkakalikot roon.
“Hoy, baka bini-videohan mo ko huh!”
“Kahit videohan kita, walang manonood sa scandal mo,” pang-aalaska nito.
Nang makapagbihis na sya ay ibinato nya ang tuwalya sa mukha nito. “Peste ka!”
“Hey, woman, don’t talk to me like that! Baka nakakalimutan mo, isang pitik ko lang pwedeng mawala ang lupa na ito sa inyo.”
Tila napikon na sabi ng lalak, pero sige sa pahlanghap ng tuwalyang ibinato nya. Pero sa kabilang banda, napa-isip si Dona, may point naman si Mr. Montero. Sa yaman at kapangyarihan nito, kayang-kaya sila nitong burahin sa mapa nang sabay-sabay. Kailangan ay maging mabuti sya sa lalaki, upang kahit sa ganoong paraaan ay mapabago pa nya ang isip nito.
Bigla syang nagbagong anyo na animo'y maamong tupa. “Sorry na, Mr. Montero. Ano lang kasi…nagulat ako eh. Alam mo na, wala akong saplot tapos biglang may lalaki pala sa kwarto ko. Na-shock lang ba.”
“Fine. I'm sorry, too.”
Aba may pagka-gentleman din naman pala. Nakagat ni Dona ang ibabang labi nya at pilit iniiwas ang tingin sa lalaking wagas makatitig sa kanya. Ano kayang iniisip nito?
“Ah, pag-uwi ko na lang natin pag-usapan ang plano natin. Late na late na ko sa bar eh.”
“Bar? p****i ka?”
“p****i agad?! Di ba pwedeng bartender o kaya waitress?”
Kakamot-kamot sa batok ang lalaki. “Again, sorry. Hmm…hatid na kaya kita?”
Shit! Mukhang crush nya ko ah. Sa loob loob ay naglulupasay na sya sa kilig. Bago ito, huli syang kinilig kay Dao Ming Si pa ng F4!
“Gusto ko lang mag-bar. Ang boring dito sa inyo, walang tv at radyo,” dugtong nito.
Biglang nangamatay ang paru-paro sa sikmura ni Dona. Basag trip din si Gago.
“Tse, bunutin ko yang kilay mong makapal eh,” Bulong nya habang isinusuot ang sapatos.
“What?”
“Wala po, Mr. Montero.”
“Sean. Sean na lang. Since dito ako titira sa inyo ng one month, nakakailang kung Mr. Montero at Ms. Pena ang tawagan natin.”
“May point ka. Siguro mas maganda rin kung di alam ng mga taga-rito kung sino ka talaga, para mas makita mo kung anong totoong ugali ng mga tao rito, at makita mo rin ang totoong pakikitungo na ibibigay nila sa'yo.”
Tumango-tango ang lalaki na tila nag-iisip. Ang gwapo mag-isip. Kaasar!
“Okay. Eh paano yun, dito ko sa inyo titira. Hindi ba sila magtataka na may gwapo kang lalaki na ititira dito sa bahay mo?” Sabay ng pamatay na ngiti ni Sean ang pagkabuhay muli ng mga paru-paro sa tyan ni Dona.
Taragis yung ngiti eh. Penge ngang kanin! Char!
“E-Eh di sabihin natin mag--mag--mag-ano tayo…” magpanggap kaya kaming mag-syota? Nakakahiya naman kung sya ang mag-ooffer na maging mag-syota sila. Mukhang crush sya ni Sean, kaya hahayaan nyang sa lalaki iyon manggaling.
“Sabihin natin na mag-pinsan tayo.”
PINSAN?!
Itutuloy…
Please Like and Follow <3