Chapter 5

1538 Words
“Hep! Ano yan, lalabas ka nang ganyang ang suot mo?” awat ni Dona kay Sean na lalabas ng bahay na pormang-porma.    Pangalawang araw na ng lalaki sa bahay nila. Nag-aalmusal si Dona nang umagang iyon. Isinasawsaw nya ang pandesal sa kape nang lumabas ang lalaki mula sa kwarto nya. Naka-gray shirt ito na may tatak ng Nike, naka-maong short at rubber shoes na hinuha nya ay lilibuhin ang halaga.   Nagkandapaso ang daliri nya sa kape nang halos maisawsaw nya ang buong kamay. Mukhang modelo ng isang sports magazine ang lalaki, at hindi ito bagay sa maliit nilang bahay.   “Ganito ako sa bahay,” simpleng sagot nito sa kanya saka tumabi sa kanyang inuupuan na kahoy.   Pakwadrado ang mesa nila sa kusina. Isa lamang ang upuan, ngunit mahaba iyon at gawa sa kahoy na may kalaparan. So walang choice kundi sa tabi nya maupo ang lalaki. Langhap nya ang mabangong amoy nito.   Pasimple syang umamoy sa kili-kili. Nahiya naman sya sa gamit nyang tawas habang ang lalaki ay humahalimuyak ang deodorant  mula sa kili-kili.   “Mayayaman talaga oh. Ipapakilala kitang pinsan di ba? Tingin mo maniniwala silang magpinsan tayo kung mukha kang mayaman at ako eh mukhang dispatcher sa kanto?”   “Hindi ka naman mukhang dispatcher ah. Kundoktor pwede pa,” sabay tawa ng lalaki.   “Gwapo mo.” May sarkasmo sa tinig nya, pero sa loob-loob ay talaga namang ang gwapo ng lalaki.   “Eh paano, mga ganitong damit ang dala ko?”   “Si tatay, marami syang damit. Yun sigurado kasya sa'yo.” Ipinagpatuloy na nya ang pagnguya sa pandesal.   “Are you sure? Ang payat ng tatay mo oh,” sabay nguso nito sa ama nyang tulala habang tumutungga ng gin.   “Malaki katawan nyan noon, nung di pa kami iniiwan ni nanay. Simula nang umalis si nanay, di na sya nagsalita. Nagkaganyan na rin sya.”   “I'm sorry to hear that.”   “Wag ka nga mag-English! Bawal dito yan. Mahahalata tayo nyan sa ginagawa mo eh,” singhal nya rito.   Lumabi lamang ang lalaki. s**t ang macho, tapos lalabi ng parang bata. Urgh! Isang malaking kasalanan ang lalaking ito para sa tulad nyang Eba na wala pang karanasan.   “Lalo tayong mahahalata sa ginagawa mo,” baling nito sa kanya.   Nangunot naman ang kanyang noo, dahil di nya na-gets ang sinasabi ng lalaki. “Huh, anong sinasabi mo dyan?”   “Kung parati mo kong titigan ng ganyan, iisipin ng mga kapitbahay mo rito na nagkakagusto ka sa pinsan mo. i****t ang labas natin non.”   “Grabe sya oh. Di kita tinititigan noh!” pagtanggi nya.   “Kaya pala katititig mo sakin, daliri mo na ang isinasawsaw mo sa kape. Kanina mo pa naubos yung tinapay mo.”   Napahiya sya. Deadma. Tumayo na sya at nagbubutbot sa kabinet na damitan ng kanyang ama. Kinuha nya roon ang mga lumang T-shirt at shorts ng matanda. Ewan nya na lang kung magmukha pang mayaman ang Sean na yan!   “Oh, isuot mo na. Mamaya ibibili kita ng Rambong tsinelas sa palengke.”   “Ang luluma naman ng mga 'to,” reklamo ng lalaki habang isa-isang itinataas at iniinspeksyon ang mga damit.   Ang isa ay butas ang kili-kili. Ang shorts naman ay kupas na ang mga kulay. Karamihan sa mga damit ay may depekto.   “Wag na magreklamo. Suot mo na dali!” excited na sabi nya. Nang makapasok ito sa silid nya ay sisipol‑sipol na naghintay si Dona. “Ewan ko na lang kung di ka pumangit. HA HA.”   “Sana nilabhan mo muna, Dona. Medyo amoy naluom eh.”   “Okey lang y--” Literal syang napanganga pagharap kay Sean. Suot nito ang nag-iisang sando na maluwang ang bandang kili-kili at leeg.   Lintik na katawan yan! Baka kahit si Lola Jolens pagnasahan ang isang ito ah. Hanep sa biceps at chest ang lalaki. Bahagya nya ring nasilip ang pandesal nito sa tyan nang magstretch-strech ito na animo'y mag-uumpisa nang mag-jogging.   “Nakanganga ka na naman,” sabay kindat sa kanya ng lalaki.   Umismid si Dona. “Tsss, ang taba mo pala,” sabay talikod nya. Kung nakikita lamang sya ni Sean na halos magdugo na ang ibabang labi nya sa tindi ng pagkakakagat nya.   “Dona.”   “Oh?” pilit ang pagharap nya sa lalaki.   “May pandesal pa?”   “Ayan oh,” nguso nya sa tyan ng lalaki, sabay baling nya ng mukha sa mesa. “Nasa mesa.”   “Hmmm… akala ko yung abs ko yung tinutukoy mo eh.”   “Mag-almusal ka na at nang maipakilala na kita sa mga kapitbahay.”   Iniwan nya ito sa mesa at mabilis na pumasok sya sa kwarto. Sinipat nya ang sarili sa salamin. Naninilaw na ang suot nyang T-shirt na may mukha ng kandidato. Ang pang-ibaba nya naman ay leggings na pula na hanggang kalahati ng binti.   Naisipin nyang magpalit. Kinuha nya mula sa damitan ang isang violet na blouse. Sleeveless iyon. At dahil likas na maputi sya, malakas ang loob nyang mag-sleeveless dahil maputi ang kili-kili nya. Ang pangibaba naman ay pinalitan nya ng maong na palda. Nagpulbos sya sa mukha at naglagay ng kaunting lipgloss sa labi. Nagwisik ng pabango at saka sinuklay ang buhok na hanggang bewang.   Paglabas nya ng kwarto at dalawa na ang nakaupo sa mesa. Ang kanyang ama ay nasa hapag na rin. Nang balingan sya nito ay may sumungaw na lungkot sa mga mata ng kanyang tatay.   Madalas kasi nito noon sabihin na kamukhang-kamuka nya raw ang kanyang ina. Tumayo na ang kanyang ama at iniwan ang pagkakape. Lumabas ito ng bahay bitbit ang alak na naiwan sa upuan. Napabuntong-hininga na lamang si Dona.   “Bakit nagpalit ka ng damit?” pagtataka ni Sean.   Naglandas ang mga mata nito sa kabuuan ng kanyang katawan at pumirmi ang tingin nito sa kanyang mukha. Nakadama ng pagkailang si Dona. May kakaiba kasi sa titig ni Sean na sa pakiramdam nya ay tumatagos sa kanyang kaloob-looban.   “Nahiya naman kasi ako sa'yo. Lahit sako ata ang ipasuot sayo, lalabas at lalabas ang pagka-anak mayaman mo.”   “Hey, don’t say that -- okay, sorry, nakalimutan kong bawal mag-English. Maganda ka, Dona.”   Napaiwas sya ng tingin sa lalaki. Kinilig sya, pero secret lang. Malakas talaga ang feeling nya na tipo sya ng gwapong mayaman na ito.   Ang kaso ay may ipinangako si Dona sa sarili, na hinding-hindi sya iibig sa mayaman. Dahil nasisiguro nyang sa huli ay iiwan din sya nito para sa pera, gaya ng ginawa ng ina nyang mayaman. Tutol ang mga magulang nito sa pag-iibigan ng kanyang ama at ina. Isang araw ay bigla na lamang may dumating na mga lalaking naka-Amerikana at kinuha ang kanyang nanay.   Mataga; din silang naghanap ng ama sa kanyang ina, hanggang sa sumuko na lamang sya. Ngunit ang tatay nya ay hindi. Napirmi lamang sa bahay ang matanda nang wala na itong madatnan sa mansyon na tinitirhan ng kanyang ina. Doon na nagsimula ang pagiging tahimik nito at palainom.   Sa ala-ala ay namasa ang mga mata ni Dona.   “Okay ka lang?” tanong ni Sean na kita ang pag-aalala sa mukha.   “Oo naman. Tara na?”   Nang makalabas ng bahay ay parang nakakita ng artista ang mga kapitbahay ni Dona. Mula kay Lola Jolens na nagwawalis sa tapat ng bahay nito, hanggang kina Aling Celia, Mang Pepe at Mang Buboy. Isa-isa itong naglapitan sa kanila at tila manghang-mangha na nakakita ng lunas sa sakit na kapangitan.   “Sino ire?” tanong ni Lola Jolens.   “Si Sean po, La, pinsan ko sa -- sa side ni nanay.” Bahala na si Batman. Mas maniniwla sila kung sa side ng nanay nya ang sasabihin dahil na rin sa kutis at hitsura ni Sean.   “Magandang umaga po,” sabay ngiti ni Sean nang maluwag.   Hiyawan ang mga dalagita sa paligid, na sinaway naman agad ng mga nanay, nanay roon. Pero wag ka, pati mga momsie ay mga kinikilig din. Sinong hindi? Kahit si Ka Pepe na aastig-astig sa lugar nila ay tila nabato-balani sa kagwapuhan ng lalaking pinsan nya kuno!   “Ku, eh mukhang di sanay sa hirap yang pinsan mo ah, Dona,” sita ni Mang Buboy.   “Eto nga ho, mga kapitbahay, dito ho titira ng isang buwan ang mahal kong pinsan na si Sean, dahil gusto nyang matuto sa buhay.”   Sinimplihan sya ng siko ng lalaki sa braso. “Anong pinagsasasabi mo?” pasimpleng bulong nito.   “Magtiwala ka lang,” ganting bulong nya. “Maasahan ko po ba na aalagaan at pakikitunguhan ninyo nang ayos ang aking pinsan, mga kapitbahay?” pagpapatuloy nya.   Umugong ang mga bulong-bulungan at hagikgikan.    “Makakaasa ka, Ate Dona!” si Ikay ang maharot na unang sumagot. Sakit sa ulo ang dalagita dahil imbes na mag-aral ay f*******: ang inaatupag.   “Dona!”   Si Makoy ang dumating. May dala itong supot at nakangiting lumapit sa kanya. Ngunit nawala ang ngiting iyon nang makita si Sean sa gilid nya.   “Makoy, ano yan?” tukoy nya sa supot na dala nito.   “Pansit, para sa'yo. Sino sya?”   “Sean, pare, pinsan ni Dona,” seryosong pakilala ni Sean sa kaibigan ni Dona.   Nanumbalik ang ngiti ni Makoy. Agad din nitong iniabot ang kamay ni Sean at masayang nakipag-shake hands.   “Dito muna ko, insan,” paalam ni Sean. Tinungo nito ang sari-sari store ni Aling Nene.   Nagkumpulan naman kaagad ang mga kadalagahan dito, na syang ikinainis ni Dona.   “Gwapo ng pinsan mo, Dona, ha!” puna ni Makoy.   “Bakla ka?” taas ang isang kilay na tanong nya kay Makoy.   “Hindi ah! I-kiss kita dyan eh!” natatawang sabi ng kaibigan.   “Insan, pasok na sa loob,” singit ni Sean. May bitbit nang softdrinks ang lalaki. “Goodbye, Makoy.”   Hinatak na sya ng lalaki papasok sa loob ng bahay. Naguguluhang napaupo si Dona sa bangko.   “Uy, bakit mo ginanon si Makoy?”   “Seriously Dona, ang aga-aga nagpapaligaw ka?”   “Ligaw? Hindi nanliligaw si Makoy. Best friend ko yun. Yung pansit na binigay nya, galing yon sa paninda ni Tita Celia,” paliwanag nya.   “You're best friend is in love with you, Dona.” Pagkasabi non ay tumalikod na si Sean at pumunta sa kwarto.   “Problema non? Seloso si INSAN!” natatawang bulong ni Dona sa sarili.   Itutuloy… Please Like and Follow <3  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD