“Ayos ang pinsan mo, Dona, ha, ang benta sa mga chicks,” biro ni Mia sa kanya. Siniko pa sya ng kaibigan sa tagiliran upang makuha ang kanyang atensyon Abala kasi sya sa pagswa-swipe ng kanyang touchscreen na phone, made in China. Gift sa kanya ni Makoy at Mia noong last, last, last birthday nya. Meaning, lumang style na. Nag-angat sya ng mukha at kitang-kita nya ang ngala-ngala ni Ikay mula sa kinauupuan nila. Makahalakhak naman ang dalagita, wagas! Nakakapit pa ito sa braso ni Sean na painom-inom lang ng softdrinks at prenteng naka-de-kwatro sa tapat ng tindahan. “Gwapo naman kasi…” bulong nya. “Ano?” idinikit pa ni Mia ang tainga sa kanyang mukha para mas marinig ang kanyang sinabi. “Wala! Sabi ko sunog naman ata sa gluta yan kaya ganyan kaputi!” “Parang hindi naman

