Chapter 7

1536 Words

Panay ang ikot ng hintuturo ni Sean sa labi ng baso nya. Nakaka-tatlong shot na sya ng whisky sa mini bar ng condominium ng kapatid na si Brad.   “Hindi mauubos yan kung tititigan mo lang,” basag ni Brad sa katahimikan ng paligid.   Doon sya palaging pumupunta sa tuwing may malalim syang iniisip. Tahimik kasi ang lugar na iyon. Palibhasa ay palaging wala ang kapatid. Nagmamay-ari kasi ito ng Montero Resorts and Airlines. Madalas nasa resort ang kapatid.   “Tsss… akala ko pa naman makakapag-isa ko. Hindi pala.”   Tinapik-tapik naman ng kapatid ang balikat nya habang natatawa. “Don’t worry, bro, aalis din ako agad. May event ako sa isang resort. Kumuha lang ako ng ilang gamit. Balita ko kay Monty, di ka na umuuwi ng bahay ah,” Naupo na ito sa tabi nya at nagsalin na rin ng alak.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD