Ititira na sana ni Dona ang bola nang biglang humarang ang nakangising mukha ni Sean. Supalpal ang dapat na layup moves na gagawin nya. Narebound ng kalaban ang bola, ipinasa ulit kay Sean. Nag-three points ang mokong. Tilian ang mga madlang dalaginding. Halos sumayad sa lupa ang ngala-ngala ni Dona dahil sa swabeng pagkilos ng lalaki. “Ang gwapo mag-three points amputa!” bulong niya sa sarili. “Ano yun?” biglang sulpot ni Makoy sa gilid nya. Nahalata yata ng kaibigan na napatulala sya kaya inakbayan sya nito at pinahiran ng pawis sa noo. “Okay lang yun, Dona. Para sakin naman ikaw pa rin ang MVP!” Lumingon sya sa kaibigan at kinurot ito sa tagiliran. “Talaga? Kahit pa five points lang tayo at trenta sa kanila?” “Mas panalo naman yung grupo natin eh, kasi may player na

