Chapter 2 -Aurora-

2356 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Mahigit isang taon na ang lumipas mula ng nilisan nila Aurora ang Pilipinas. Tahimik pero maunlad na ang buhay nila Aurora sa Florence, Italy. Malayo na siya sa magulong nakaraan, at ngayon, may bagong mundo siyang binuo kasama ang anak niyang si Darren at ang kanyang buong pamilya. Lahat ay ginagawa niya para sa kanyang nag-iisang anak. Pinag-aaral niya ito dito sa Italy, at mas matatas pa ang kanyang anak sa salitang ingles at Italyano ngayon kaysa sa tagalog, kailangan kasi nito ng private tutor na naka-focus sa foreign languages. Kailangang makasabay ng kanyang anak sa ibang kabataan, kailangan niyang mag-blend in para hindi siya mapag-iwanan at para maunawaan ni Darren ang mga sinasabi ng mga kaklase nito. Hindi kasi nila alam kung hanggang kailan sila maninirahan dito sa Italy. Kaya inihahanda ni Aurora ang kanyang anak maging sa pananalita nito. Sa mahigit na isang taon na lumipas, she had fully embraced her new life. Hindi na siya 'yung babaeng nakikipagsapalaran sa buhay upang matustusan niya ang kinabukasan ng kanyang anak. Ibang-iba na siya lalo pa at isa na siyang ganap na painter. And everything she painted, Stefano helped her sell, until her name gradually gained recognition and eventually became well-known. At ngayon nga ay kilalang-kilala na siya bilang isang magaling na painter at binansagan siyang Aurora: The Art Of Elegance, at wala pang nakakakita sa mukha niya. Sinadya nila 'yon, katulad ng kung paano siya sumasayaw nuon sa club ni Sammy. Nakamaskara at walang nakakakilala. Gusto nilang lahat na maging misteryosa ang pagkatao nito upang hindi ito makilala ni Darwin at nang kahit na sinong Hendrickson. Ara... Ara ang ipinangalan nila kay Aurora, at wala ng tumatawag sa kanyang Aurora kapag nasa labas siya. Sinadya nilang itago ang mukha niya at buo nitong pagkakakilanlan, pero sinadya niya na ang pangalan niyang Aurora ang gamitin sa public para misteryosa ang dating niya lalo na sa mga Hendrickson. Hindi siya nakikipag-usap kahit na kanino na gamit ang pangalang Aurora, at kung ano man ang plano ni Aurora sa ginawa niyang 'yon ay siya lamang ang nakakaalam. Walang public appearances na hindi niya suot ang kanyang maskara, walang interviews na hindi niya suot ang maskara niya. Even in her own art gallery, nobody knew that she was the woman behind the masterpieces. Ginawa nila ang lahat ng ito upang maitago ang tunay na pagkatao nila ni Darren Davian Gracias. Ang siyam na taong gulang na anak niya... ang anak nila ni Darwin Hendrickson. At hindi maaaring malaman ng kahit sino. Lalo na ng mga Hendrickson ang tunay na pagkatao ni Aurora at ni Darren. Napatingin si Aurora sa kanyang orasang pambisig. Alas singko na ng hapon. Kasama niyang lumabas ng kanyang art gallery ang kanyang kaibigan na si Pie Acapulco. Tatlo ang naging kaibigan niya dito na itinuturing niyang best friends, at ang isa ay si Mary Grace Panilas, at ang isa ay si Jo Ann Madayag Dela Cruz, pero nasa trabaho pa ang mga ito kaya hindi nila kasama. "Tara na? Sasama ka ba sa bahay namin o ihahatid na kita sa inyo? Pupunta mamaya sila Jo Ann at si Grace sa bahay, pero mamaya pa 'yon, baka mga six pa." Sabi ni Aurora. Bahagyang nag-isip si Pie, pagkatapos ay ngumiti ito. "Sasama na lang ako sa'yo. Gusto kong makita ang gwapo mong anak, saka darating naman pala ang mga pasaway na 'yon mamaya kaya gulatin ko na lang." Sagot nito kaya napangiti si Aurora, pagkatapos ay kinuha na nila ang coat nila at saka lumabas ng art gallery. Malamig ang simoy ng hangin nang lumabas sila ng gallery. She pulled her coat tighter around her body, trying to shake off the feeling of unease. Tumingin siya sa paligid, wala namang nakatingin and beside, walang nakakakilala sa kanya kahit hindi niya suot ang kanyang maskara, pero lagi siyang may sunglasses. Ang alam lang ng mga tao na laging nagpupunta sa art gallery niya ay manager lamang siya ng tunay na Aurora. Pero kung titignan ngayon si Aurora, ibang-iba na ito kaysa nuong eighteen years old lamang ito. Kahit ang mga Hendrickson ay siguradong hindi na siya makikilala pa sa laki ng kanyang pinagbago. Inayos niya ang suot niyang coat. Naka dark trench coat siya, oversized sunglasses, buhok na nakatali sa sleek ponytail. Lahat ng kilos niya, calculated. Lahat ng suot niya, carefully chosen. She was hiding in plain sight, blending into the crowd like she was just another woman walking through Florence. And for the past year, nagagawa niya ang lahat ng walang pumupuna sa kanya at walang nagsasabi na kilala siya ng mga ito. Kasi nga, ibang-iba na talaga ang hitsura niya ngayon sa hitsura niya nuon. "Ara!" Biglang napalingon si Aurora. Napangiti ito ng makita niya si Caleb. Third cousin niya si Caleb, anak ito ng pinsan ng kanyang ina at ito ang tumutulong sa kanila upang mapanatiling lihim ang tungkol kay Darren at sa kanyang pagkatao. "Kuya Caleb! Akala ko ba hindi ka pupunta dito sa Italy? Ginulat mo naman ako." Napangiti si Caleb, lumingon sa likuran niya at tinawag ang kanyang matalik na kaibigan na si Stefano Caruso. Isa itong half Filipino at half Italian. Businessman ito at kilalang-kilala sa bansang Italy. Ito ang tumulong kay Ara upang makilala siya sa larangan ng pag-guhit. "Pauwi ka na ba?" Tanong ni Caleb. Tumango naman si Aurora. "May magandang balita kami sa'yo. Gusto ka kasing i-featured sa magazine, pero gaganapin ito sa Manila Philippines. Okay lang ba sa'yo? Wala kang dapat ikatakot, makakasama mo naman kami duon at hindi ka namin pababayaan. Two weeks ka lang namang mag-stay ng Pilipinas, and after that ay babalik ka na ulit dito. Gagawin ko ang lahat upang hindi kayo magkaharap ni Darwin. Okay ba 'yan sa'yo?" Hindi agad nakapag-salita si Aurora. Natahimik ito na tila ba nag-iisip kung ano ang isasagot niya sa kanyang pinsan. Tinabig siya ni Pie, pero natawa lang siya ng mahina. Hindi pa siya sigurado kung babalik siyang muli sa Manila. Ito ang ikalawang pagbabalik niya ng Pilipinas kung sakaling papayag siya. "Amica, sta aspettando la tua risposta." Sabi ni Pie, na ang ibig sabihin ay naghihintay ng sagot si Caleb. "I know. Uhm... pwede ba Kuya Caleb duon na lang natin sa bahay pag-usapan ang tungkol diyan?" Sabi ni Aurora. Natawa naman si Caleb at kinuha na ang dalang bag ni Aurora at inalalayan niya itong maglakad patungo sa sasakyang dala niya. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin dinadala ang sasakyan mo. Bakit lagi kang sumasakay ng taxi kung pwede ka namang magmaneho papunta ng art gallery mo?" Sabi ni Caleb. Nagkibit balikat naman si Aurora at saka simple itong ngumiti. Pagkarating nila ng malaking bahay na pag-aari ng mga magulang ni Aurora ay sinalubong agad sila ni Darren. Tuwang-tuwa ito ng makita ang kanyang Tito Caleb. "Come sta il mio nipote? Ti sono mancato?" Wika ni Caleb kay Darren na ang ibig sabihin ay kamusta na ang kanyang pamangkin at kung na-miss ba siya nito. Tuwang-tuwa naman si Darren na sumagot sa kanyang tiyuhin at sinabing maayos lang siya at talagang na-miss niya ang kanyang uncle. Nakipag-high five pa ito kay Stefano. Magkakaharap sila ngayon sa living room, kasama ang ama at ina ni Aurora. Ibinalita ni Caleb sa mga ito ang sinabi niya kay Aurora kanina. Sa mga magulang ni Aurora ay walang problema, pero kay Aurora ay nagdadalawang isip ito. "Two months from now pa naman ang lipad mo patungong Pilipinas. Matagal-tagal pa, ang gusto lang nilang mangyari ay magkapirmahan ng kontrata na pumapayag ka. At ako naman ang magiging representative mo, at ako rin ang pipirma kung pahihintulutan mo ako para hindi mo sila makaharap." Sabi ni Caleb. Humugot ng malalim na paghinga si Aurora at saka ito bahagyang ngumiti, pagkatapos ay tuluyan na itong tumango. "Yes!" Malakas na sabi ni Stefano at ni Caleb. "Awe! Ano ang meron na hindi namin inabutan?" Napalingon sila sa boses ni Mary grace at ni Jo Ann. "Buti naman at dumating na kayo, noh! Ito kasing si Ara, mapupunta na siya sa magazine. Akalain mo, sikat na sikat na talaga ang bestie natin." Sabi ni Pie kaya natatawa ang mga magulang ni Aurora. "Ay, wow! Talaga? Saan gaganapin ang photoshoot?" Tanong naman ni Jo Ann. Sinabi ni Pie na sa Manila ito mangyayari kay nagulat sila. Alam kasi nila ang buong pangyayari na naganap sa buhay ni Aurora nuon sa Pilipinas, at kung paano ito pinaglaruan ng isang Hendrickson. "So, are you traveling back to the Philippines with Darren again, like last time? Or is it just you this time?" Tanong ni Grace. Nuong nagtungo kasi si Aurora ng Pilipinas ay isinama niya si Darren. Pero ngayon ay hindi na niya 'yon gagawin, ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon na magkaharap ang mag-ama ng hindi sinasadya. Kamukhang-kamukha kasi ni Darren si Darwin at nakakasigurado siya na kapag nakita ito ni Darwin ay pagdududahan niya ito na anak niya. "Ako lang. Kasama ko si Kuya Caleb at si Stefano." Sagot nito. Nakangiti pero pilit lang. "Ay teka lang! Kaylan ba 'yan? Sasama ako sa inyo. Gusto kong bisitahin ang mga magulang ko at ang kakambal kong si Elziel Ann. Namimiss ko na kaya sila. Pero syempre, hindi ko sasabihin sa kanila na uuwi ako ng Pilipinas, sosorpresahin ko sila." Sabi ni Jo Ann. Napangiti na si Aurora. Mas okay 'yon sa kanya dahil kahit na papaano ay may kaibigan siyang kasama. "Pero sa totoo lang bestie. Sabi mo nga sa amin, it has been ten years na mahigit mula ng iwanan ka ni Darwin Hendrickson na luhaan at sugatan, hindi ba? Tapos nakita pa namin ang picture mo nuong eighteen ka pa lang. Ang layo na ng hitsura mo kung ikukumpara ngayon at promise, kahit na sino sa mga Hendrickson ay hindi ka makikilala. Hindi ba, girls? Kahit humarap ka sa kanya ng walang maskara... bestie hinding-hindi ka na niya makikilala. Ibang-iba na ang hitsura mo nuon sa ngayon. Maglalaway pa nga 'yon sa'yo kapag humarap ka sa kanya ng walang maskara. Ang layo na talaga friendship sa neneng days mo kumpara ngayon na fully matured ka na. Sa picture mo ang kapal pa ng kilay mo, maputla at talagang neneng-nene ka pa. Samantalang ngayon, para kang modelo sa sobrang ganda mo." Sabi ni Pie. Hindi naman kumibo si Aurora. Matagal na niyang nakita sa salamin ang hitsura niya at maging siya ay hindi na nakikita pa ang dating hitsura niya nuong eighteen lamang siya. "Pero iba pa rin ang nag-iingat. Kung ako lang, walang problema. Pero may anak na ako na pinoprotektahan para hindi ito maagaw sa akin." Sagot niya. Napatango naman ang kanyang mga kaibigan. "Anyway, we have to go tita and tito. May lakad pa kami ni Stefano at babalik na lang kami bukas dito." Sabi ni Caleb. Pagkaalis nila Caleb ay nagkaayaan naman sila na magtungo ng mall. May mga bibilhin daw silang mga damit kaya excited na silang umalis matapos ihabilin ni Aurora ang kanyang anak sa mga magulang niya. Hindi nagtagal ay nasa mall na rin sila. Masaya silang nagkukuwentuhan ng biglang may nakabangga kay Aurora. Gulat na gulat ito at titig na titig sa napakagwapong lalaki na nasa harapan niya. Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Nanginginig ang kanyang buong kalamnan sa galit na may kasamang takot na baka makilala siya ni Darwin. "Watch where you're going! You can’t just walk around blindly like that. Pay attention to where you're stepping. Are you alright, miss?" Nagulat siya. Hindi siya nakikilala ni Darwin? Ngayon niya napagtanto na talagang hindi nga siya minahal ni Darwin kahit na katiting. "Sto bene." Sagot niya sa salitang Italian na ang ibig sabihin ay okay lang siya. Medyo napiyok pa siya. Mahina lang ang boses niya. Natatakot siya na makilala siya ni Darwin, pero laking gulat niya ng tumango ito at saka ngumiti. Tama nga si Pie, hindi na siya nakikilala pa ni Darwin. "You look familiar. Have we met before?" Umiling-iling si Aurora at saka ito tuluyang umalis. "Ara!" Tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Napangiti naman si Darwin. Ibinulong niya ang pangalang Ara, not knowing na ang babaeng niloko at pinaglaruan niya nuon mahigit sampong taon na ang nakakaraan... ay ang babaeng nagpangiti ngayon sa kanya. "Ara... what a beautiful name. Pero parang nakita na kita nuon pa, pero hindi ko lang maalala kung saan. Damn... saan ba kita nakita nuon?" Bulong ni Darwin. "Ara! Huminto ka nga sa mabilis na paglakad mo." Sabi ni Jo Ann. Tumulo ang mga luha ni Aurora, masyadong masakit ang muli nilang paghaharap makalipas ang mahigit na sampong taon. "Hindi niya ako nakilala. Sabi nila, kapag ang isang tao ay hindi ka nakilala sa muli ninyong paghaharap, iisa lang ang ibig sabihin. Ni minsan ay hindi tumimo sa puso niya ang kahit na anong nakaraan namin. Nuong tinalikuran niya ako mahigit sampong taon na ang nakakaraan, iyon na 'yung huling beses na inalala niya ang hitsura ko at tuluyan na niya akong binura sa kanyang isipan. Kung gayon, ipinapangako ko na paiibigin ko siya. Ako naman ang maghihiganti. Ako naman ang magpaparanas ng matinding kabiguan sa buhay niya. Ipaparanas ko sa kanya ang sakit na ipinaranas niya sa akin." Lumuluhang sabi ni Aurora. "Totoo ang sinabi ni Pie kanina bestie, hindi ka na niya makikilala pa kasi ang laki na talaga ng ipinagbago mo. Malayong-malayo ka na sa hitsura mo nuon. Kahit kung nakilala kita dati, tapos after ten years ay magkakaharap tayo... hindi rin kita makikilala. Para ka na kasing isang modelo. Ibang-iba ka na sa pananamit, sa pag-aayos, ang kulay ng balat mo ay sobrang kinis, akala mo perlas, at hindi ka na maputla na dugyutin. At ang mukha mo? Malayo na sa dati mong hitsura. Sobrang ganda mo talaga!" Sabi ni Jo Ann kay Aurora. Pinahid ni Aurora ang kanyang mga luha. Nangako siya nuon sa kanyang sarili na hindi na siya mag-aaksaya pa ng mga luha sa lalaking nanloko sa kanya, kaya hindi na siya dapat pang lumuluha na ang lalaking 'yon ang dahilan. "Lo farò innamorare di me." Wika ni Aurora sa salitang Italyano na ang ibig sabihin ay paiibigin niya si Darwin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD