Chapter 3 -Aurora-

1724 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Totoo ba 'yang narinig ko, Ate?" Tanong ni Aurelio habang nakaupo sa gilid ng lamesa, hawak-hawak pa ang tablet mula sa online class na halos hindi niya na maituloy. Halata sa boses niya ang pag-aalinlangan, at makikita sa kilos niya ang pagkabahala. "You’re really going to build your own art gallery in the Philippines? Tapos... you’re planning to reveal yourself na rin? I mean, ikaw mismo? Or ang Aurora Ara Molino in the flesh?" Muli pa niyang sabi. "Handa ka na ba talagang makita ng mga tao ang mukha mo? Paano kung makilala ka ni Darwin?" Muling sabi pa ni Aurelio, talagang nag-aalala na ito sa kanyang ate. May ilang segundong katahimikan at hindi agad nakasagot si Aurora. Nanatili lamang itong nakatitig sa mga painting na nakaayos pa sa sahig... mga canvas na puno ng emosyon, ng mga itinatagong kwento, at ng mga alaala. Sa paningin ng iba, ordinaryo lang ang eksenang iyon. Pero sa puso ni Aurora, iyon ang masakit na alaala ng kanyang buhay. Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. "Oo, Elo. Pumapayag na ako sa gusto nilang mangyari na magtayo ako ng art gallery sa Pilipinas. Gusto ko na rin naman. At handa na ako." Sagot ni Aurora. Dahan-dahang naupo si Aurora sa sofa, at inilapat ang mga kamay sa tuhod habang patuloy na nakatingin sa mga gawa niyang obra na nasa sahig pa. "Nung nagkita kami ni Darwin sa mall, wala man lang siyang kahit anong reaksyon na natatandaan niya ako or nakikilala niya ako. Wala. Hindi niya ako nakilala. Hindi niya ako naalala. Walang kahit isang sulyap na nagbigay ng pag-asa sa puso niya na minsan ay naging bahagi ako ng buhay niya sa loob ng ilang buwan. Hindi niya nakilala ang babaeng pinaglaruan niya dahil kahit na katiting, wala talaga siyang pagmamahal para sa akin. Tignan mo ang mukha ko Aurelio at ang mukha ko nuong eighteen pa lang ako. Hindi ba at hindi mo iisipin na ako ang babaeng nasa larawan nuon?" Muli pang sabi ni Aurora, pagkatapos ay ipinagpatuloy muli ang pagsasalita. "At sa totoo lang, doon ko nakita ang pagkakataon na pwede na pala akong kumilos na hindi na ako matatakot na baka may makakilala sa akin. Doon ko naramdaman na malaya na ako. Duon ko naisip na kailangan ko ng ipakita ang mukha ko upang mapaibig ko na siya. At kapag nagawa ko ng mapaibig ang lalaking 'yon, iiwanan ko siya at hinding-hindi na ako magpapakita pa sa kanya." "Buti na lang talaga, pinaalis ko ‘yung nunal ko dati. Naalala mo ‘yung dalawang nunal ko sa ilalim ng mata ko, hindi ba? Lagi niya iyong hinahawakan noon, hinalikan pa niya ito minsan. Kaya nuong sinabi ni nanay na ipatanggal ko raw dahil malas daw ‘yon... kasi tuluan daw ng luha at lagi daw akong iiyak pagdating sa pag-ibig. Nangyari nga dahil niloko ako ni Darwin, kaya ng sinabi ni nanay na gagamitin niya ang huling sweldo niya nuon para maipatanggal ang nunal ko... I agreed. Ang hindi ko alam, ‘yon pala ang magiging dahilan kung bakit hindi niya ako makikilala sa muli naming pagkikita." Wika ni Aurora. Tahimik naman ang kanyang kapatid, tinitimbang nito kung ano ang magiging damdamin niya. "Elo, pagmasdan mo akong mabuti. Hindi na rin ako 'yung babaeng iniwan niya noon. I have changed so much... physically, emotionally, spiritually. Lahat. I’m not Aurora Gracias anymore. I am Aurora Ara Molino. And this time, I want the world to see me for who I am now, not for who I was back then. Huwag kang matakot sa akin, kaya ko ang sarili ko Elo." Wika nito. Pero si Aurelio ay hindi pa rin mapakali. Tumayo siya at nagsimulang maglakad-lakad sa loob ng studio, hawak-hawak ang ulo niya na parang hindi makapaniwala. Paulit-ulit siyang napapailing habang nakatitig sa kanyang ate. "Pero ate, hindi lang kasi basta pagpapakilala ang gagawin mong ito. You’re opening a door na matagal mo nang sinarado. What if makita ka niya at makilala? What if one look is all it takes for him to remember everything? Baka bumalik lahat-lahat ng sakit, lahat ng alaala na pilit mong tinatakasan. What if he ruins everything you have worked hard to rebuild just by remembering who you are?" Magsasalita sana si Aurora upang sagutin ang kanyang kapatid, pero hindi na niya nagawa ng makarinig sila ng isang boses. "Hayaan mo siya, Elo. Ano ba ang pinag-aalala mo? Kahit nga ikaw ay hindi ka kilala ng lalaking 'yon. Ni hindi nga niya alam na may kapatid ang ate mo. Ang mahalaga sa kanya ay makuha niya ang gusto niya." Sabay silang napalingon. Ang Uncle Dario nila. Naglalakad ito papalapit sa kanila, may hawak na ilang paints na regalo niya para kay Aurora. "Mas mainam nga ‘yang desisyon ng ate mo. Hindi na siya magtatago pa. Let Darwin see her. Let the past face the present." Dagdag niyang sabi. "Pero Uncle Dario..." He cut him off. "Look Elo, si Aurora ngayon ay hindi na ‘yung Aurora noon. Hindi na siya ‘yung dalagitang pinipilit ang sarili na maging isang matapang habang wasak ang puso. She’s a woman now. Strong. Talented. Resilient. Hindi mo na siya kailangang itago o protektahan sa multo ng kahapon. Kung sakaling makilala siya ni Darwin... then let him. Let him face the woman he let go. Let him see what he lost. Ganuon lang 'yon Elo." Wika ng tiyuhin nila. Tahimik si Aurelio. Nakatitig siya sa ate niyang nakaupo pa rin sa sofa, tahimik pero nilingon siya at nginitian. Napangiti din si Aurelio sa kanyang ate, tila ba nabawasan ang takot nito sa tinuran ng kanyang tiyuhin. Tipid na ngiti ang isinagot ni Aurelio, may kaunting pag-aalala pa rin ito na nararamdaman para sa kanyang nakatatandang kapatid, and yet, deep down... may halong paghanga rin. Because in front of him was not just his sister. She was someone reborn. A woman standing on the edge of her own truth, willing to face the fire, no matter the cost. "Nandoon ako Elo, nuong labing-walo pa lang siya ng iniwanan siya ng lalaking 'yon. Doon mismo sa burol." Biglang napalingon si Aurora, kunot ang noo at hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Gusto ko sanang lapitan si Aurora noon, yakapin man lang o sabihin sa kanyang hindi siya nag-iisa... pero hindi ko nagawa. Hindi pwede. Galit pa ang lolo at lola ninyo nuong mga panahon na 'yon. Matindi ang galit dahil sa pagkawala ng bunso naming kapatid. At alam kong kung lumapit ako sa inyo noon, baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Pero kahit hindi ako nakalapit, hinding-hindi ko kayo inalis sa paningin ko. Sinubaybayan ko ang bawat galaw n’yo, lalo na nuong lumipat na kayo ng tirahan. Nanduon lang ako sa paligid, nakamasid lang." Wika niya. Huminga siya ng malalim na paghinga at napatingin siya kay Aurora, tapos kay Aurelio. "Inunti-unti ko silang kumbinsihin... ang lolo at lola ninyo. Hindi madali, pero hindi ako tumigil hanggang sa napatunayan ko na walang kasalanan ang nanay n’yo sa nangyari. Pinursige ko talaga. Nahanap ko pa nga ‘yung dating kasambahay... ‘yung naging kasabwat ng bunso naming kapatid. At nang mapatunayan ko na totoo ang sinasabi ng inyong ama. Dinala ko sila sa bahay ng dating katulong namin, at duon nila napanuod ang video. Ang video ng katotohanan kung bakit namatay ang kapatid namin ng inyong ama. Kaso tulad ng sinabi ng lolo at lola ninyo, nahihiya raw sila. Nahihiya sa ginawa nilang panghusga. Kaya natagalan din bago kami naglakas loob na lumapit ulit sa inyo. Pero ang importante ngayon, alam na nila ang totoo kaya nga magkakasama na tayo ngayon, hindi ba? Kaya ang masasabi ko... kung sakaling makilala man siya ni Darwin ay wala kayong dapat ikatakot. Hindi na tayo nag-iisa. Tinutulungan tayo ni Caleb. Isa siya sa mga gumagawa ng paraan para maayos ang lahat at hindi ka makilala. At kung dumating man ang araw na malaman ni Darwin ang buong katotohanan, I'm sure na dadalhin niya si Aurora at si Darren sa Amerika. Doon niya sila poprotektahan, malayo sa gulo, at higit sa lahat ay ligtas mula kay Darwin." "Sa tingin ko naman ay imposible pa ring makilala siya ni Darwin. Mahigit sampung taon ang lumipas. Sa tagal ng panahon na ‘yon, kinalimutan siya ng lalaking ‘yon. At higit sa lahat, wala na ang dating Aurora. Ang Aurora ngayon? Ibang-iba na. Mula sa pananamit, pananalita, sa kilos niya, sa aura. She’s poised, confident, sophisticated. Napakaganda niya. Hindi na siya ‘yung simpleng dalagang pinabayaan. She carries the elegance of the Gracias women. At kung makita man siya ni Darwin ngayon... hindi basta-basta makikilala ang ate mo. Kaya wala kang dapat na ipag-alala." Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Aurelio. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Napatingin siya sa ate niya at saka ngumiti at saka ito tumango, tanda ng pagpayag nito sa gusto nitong gawin. Mabilis naman ang naging reaksyon ni Aurora at niyakap ang kanyang kapatid. "Salamat, Tito Dario. Ngayon ay parang gumaan na rin ang pakiramdam ko. natatakot lang kasi ako na bumalik si ate sa dati. Nakita ko kasi nuon kung paano siya nasaktan, pero matapang si ate dahil kinaya niya. Kung ano-ano pang trabaho ang pinasok niya matustusan lang kaming lahat. Nahihiya nga ako dati, kasi ang kinikita ko sa isang araw ay pinaka-malaki na ang seventy pesos sa pangangalakal ko ng basura. Ang laki ng ipinagbago ng buhay namin. Salamat dahil ikaw pala ang naging dahilan kung bakit nalaman nila lolo ang katotohanan. Salamat Uncle Dario." Wika ni Aurelio. "Gagawin ko ang lahat upang mabuo lang ang pamilya natin na nawasak. Mahal namin kayo, lalo na ang pinsan ninyo na si Jerwin. Sa barong-barong na tinutuluyan ninyo, nanduon lang siya... nasa paligid nuon at sinisigurado na walang manlalamang sa inyo." Hindi nila inaasahan ang mga narinig nila, sa isang iglap ay tumulo ang luha ni Aurora at saka niyakap ang kanyang tiyuhin. "Thank you tito, sobrang mahal na mahal ko kayo." Sabi niya. Napangiti naman ang tiyuhin nila at saka yumakap din ng mahigpit. "Teka nga, ayusin na nga natin ang mga nakakalat dito sa gallery mo. Nandito ang mga pasalubong ko sa'yo. Sigurado akong magugustuhan mo ang mga ito." Napangiti na si Aurora at yumakap na rin ito sa kanyang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD