Chapter 6 -The woman behind the mask-

2011 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Mamayang gabi na ang grand opening ng art gallery mo. And for the first time, they’ll see the face behind the mask. So tell me Ara, what’s got you so nervous? Weren’t you the one who said you were ready?" Pie said, eyes narrowing. Humugot ng malalim na paghinga si Aurora. Inaamin niya na sobrang kinakabahan siya ngayon sa kung ano man ang mangyayari mamayang gabi sa grand opening ng kanyang art gallery. "Naalala ko lang 'yung paghaharap namin ni Darwin sa Davao at sa Milan. Magugulat 'yon na ang Aurora at Ara ay iisa. Pero kilala naman ako ng halos lahat ng fans ko bilang Aurora Ara Molino. Ang dalawang pangalan na 'yan ay nandiyan mismo sa iisang pangalan ko." Sagot ni Aurora. "Okay, I don't understand. Ano ang koneksyon ng pagkikita ninyo sa Davao at sa Milan? Ang pinag-uusapan natin dito ay ang grand opening ng art gallery mo. So, bakit napasok ang pagkikita ninyong dalawa bilang Aurora sa Davao na nakamaskara, at bilang Ara na nakita niya ang mukha mo sa Milan? Explain mo nga." Sagot ni Pie. Natawa naman ng mahina si Aurora. She sat up a bit straighter and looked at the newly finished painting in front of her... isang simpleng larawan ng isang babae na nakaupo sa ilalim ng puno at napakalungkot ng mukha habang may butil ng luha sa gilid ng mga mata. Pero hindi lamang ito basta isang simpleng larawan na iginuhit ni Aurora. It carried weight. A quiet kind of sorrow lingered in the brushstrokes, the kind that comes from betrayal. The woman in the painting wore it in her posture, in the stillness around her. Aurora's eyes moved slowly over the details, reading between the lines of color, taking it all in without saying a word. "Tinatanong mo kasi ako kung bakit ako kinakabahan. Iyan ang sagot ko kasi mamayang gabi ay may chance magkaharap kaming dalawa. Kumakabog kasi ang dibdib ko, pakiramdam ko ay magkikita kami ni Darwin ng harap-harapan mamaya. Heto pa ang isa. Naaalala ninyo ang kinukuwento ko sa inyo na babaeng nakasama ko sa club ni Boss Sammy? Asawa na siya ng isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Hindi lang bilyonaryo, nahihileran ang yaman ng asawa niya sa mga Hendrickson at mga Dux. Heto pa... kakilala nila si Darwin. I mean... magkakasosyo sila sa negosyo at kagabi ko lang nalaman ang lahat ng detalyeng 'yan. Kailangan kong makausap si Agatha. Nasabi ko kasi sa kanya na may anak ako at iniwanan ako ng ama ng anak ko nuong buntis ako. Ayokong makarating kung kani-kanino ang tungkol sa pagtatrabaho ko sa club. Kaya kinakabahan ako hindi lang kay Darwin... pati na rin sa nakasama ko nuon sa club na si Agatha. Alam ko na makikilala niya ako, pati ang mga nakasama ko sa bar na 'yon. Ayokong malaman ng kahit na sino na may anak ako... lalong lalo na si Darwin." Sabi ni Aurora. "You don't have to worry about that. Nagawan na namin ng paraan 'yan. Wala ka ng alalahanin kahit na ipakilala mo mamayang gabi ang mukha mo sa lahat. Kahit na mapanuod ka pa sa buong mundo, walang magsasalita na kahit na sino." Isang baritonong boses ang nagpalingon kay Aurora. "Kuya Caleb. Akala ko ay hindi ka makakarating." Sabi ni Aurora. Niyakap niya ang pinsan niya at napangiti. "Totoo ba ang sinabi mo? Kahit na makita ako ng asawa ni Thomas at ng mga nakasama ko sa club ay walang magsasabi na nagtrabaho ako sa club? Walang magsasabi na kakilala nila ako?" Wika pa muli ni Aurora. "Yes. Naayos na namin 'yan. Inalam ko na 'yan lahat at naayos na 'yan. May kasunduan na tungkol diyan at walang makikialam na kahit na sino sa kanila. Sabi nga ng isang Dux at isang Johnson ay wala silang karapatang makialam sa problema ng iba, unless sa kanila mismo lumapit at humingi ng tulong." Sabi ni Caleb. "Hi Fafa Caleb. Bakit mas lalo ka yatang nagiging gwapo?" Sabi ni Pie kaya napatawa ng malakas si Caleb. "Tumigil ka Pie. Baka gawin kitang pumpkin pie." Sagot ni Caleb kaya natawa na si Aurora. Pagkatapos nilang mag-usap tungkol sa gagawin mamayang gabi ay nagpahinga na muna si Aurora. Dumiretso ito sa kanyang silid at nahiga sa kanyang kama. Kailangan muna niyang mag-relax at magpahinga para hindi siya magmukhang haggard mamaya sa napakahalagang event na magaganap mamaya. 'Handa na nga ba akong makaharap at makausap kang muli, Darwin? Mahigit sampong taon na ang lumipas. Pero hanggang ngayon ay hindi nawawala ang matinding galit ko sa'yo.' Bulong niya sa kanyang sarili. kaylanman ay hindi nawala sa isipan ni Aurora ang araw na iniwanan siya sa burol ni Darwin. Hinding-hindi niya makakalimutan ang bawat masasakit na salita na sumabog sa kanyang mukha bago siya tuluyang iniwanan ng lalaking minsan ay minahal niya ng tapat. 'Naging tanga ako. Pinaniwalaan ko ang lahat ng kasinungalingan mo. Ibinigay ko sa'yo ang tiwala at pagmamahal ko, pero ang lahat pala ay kasinungalingan lamang. Ang sakit ng ginawa mo sa akin. Ngayong handa na ako. Ngayong kaya ko ng maghiganti. Gagawin ko ang lahat upang maranasan mo ang sakit na idinulot mo sa akin. Gagawin ko rin sa'yo ang ginawa mong pag-iwan sa akin sa burol. Maghanda ka na Darwin dahil ito na ang simula ng paghihiganti ko.' Ipinikit niya ang kanyang mga mata, ang gusto lang niya ay kalimutan muna ang lahat at magpahinga. At dahil na rin sa lalim ng mga iniisip niya ay tuluyan na nga siyang nakatulog. Lumipas pa ang ilang oras at ilang malalakas na katok ang gumising kay Aurora. Agad siyang napabangon at napatingin sa kanyang orasang pambisig. "Oh God, mag-a-alas singko na pala. Napahaba yata ang tulog ko." Bulong niya. Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan ng kanyang silid. Bumungad ang kanyang mga kaibigan na halos lumuwa ang mga mata. "Oh my god, kagigising mo lang? Maligo ka na, bilisan mo at mag-aayos ka pa." Natatarantang sabi ng mga ito na halos magsabay-sabay pa sa pagsasalita. Naging mabilis ang bawat kilos ni Aurora. Naligo agad ito, saglit lang mga sampong minuto lang. Paglabas niya ng banyo ay tinulungan na siya ng kanyang mga kaibigan na makapag bihis. Pagkatapos ay tinuyo agad nila ang buhok ng kaibigan nila. Mabilis lang itong natuyo, pagkatapos ay inayos nila ang buhok nito. Naglagay naman si Aurora ng make up at pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Oh my gosh, ang ganda-ganda mo kahit simple lang ang make up mo. Ang gown mo, bagay na bagay sa'yo. Grabe ang ganda mo." Sabi ng isa sa kanyang mga kaibigan. "Ready na ba kayo?" Napalingon silang lahat sa pintuan. Si Caleb ang nagsalita at kasama nito si Stefano. "I can't be there. Alam ninyo 'yan. Walang pwedeng maka-alam na magpinsan tayo. Ikaw lang at si Stefano, kasama ang mga kaibigan mo ang dadalo sa grand opening. Kung ready ka na ay pwede na kayong umalis. Duon kayo sa emergency sa likod ng gallery papasok para walang makakita sa'yo. Isuot mo na rin muna ang maskara mo, okay? Mahabang paliwanag ni Caleb. Hindi nagtagal ay sakay na sila ng sasakyan mula sa condo building na tinitirhan ngayon nila Aurora sa BGC. Malapit lang ito sa art gallery na bubuksan niya kaya saglit lang ay makakarating din agad sila. Pagkalipas ng halos walong minuto ay nakikita na nila ang maraming tao na naghihintay sa pagbubukas ng art gallery niya. "Oh my gosh, ang daming tao. Excited na lahat makita kung ano ang hitsura mo." Sabi ni Pie. Napangiti lang si Aurora dahil ang totoo ay kinakabahan na siya sa maaaring mangyari ngayong gabi. Ilang saglit pa ay nasa loob na sila ng art gallery. Dumiretso agad si Aurora sa kanhang opisina habang ang kanyang mga kaibigan naman ang binuksan na ang pintuan ng bagong tayong art gallery ni Aurora. "Good evening, everyone. The gallery awaits, step inside, and let the paintings speak to you. Aurora will be joining us shortly to say a few words and introduce herself." Sabi ni Jo Ann. Napatingin ang dalaga ng makita niya na nagpasukan ang mga Hendrickson sa loob ng art gallery. Bagmamadali siyang lumapit sa mga ito lalo na kay Darwin na titig na titig sa isang painting. "Hi, I'm Jo Ann Madayag Dela Cruz. Aurora is my best friend. If you're wondering about that painting... well, we once met someone in the province years ago who shared her deepest regret with us. She described a few incidents, though she never mentioned any names. Aurora has a talent for capturing sadness in her art... that's her specialty, and it's what made her a famous painter." Wika nito. Napatingin naman sa kanya si Darwin, pagkatapos ay bahagya itong tumango at muling ibinalik ang tingin sa painting. "Nagustuhan mo ba? Lahat naman ng nandito sa art gallery ay ibinebenta." Sabi pa ni Jo Ann. "Maganda ang lahat ng paintings niya, lalong-lalo na ang isang ito. Gusto kong marinig kung ano ang ibig sabihin ng pininta niyang ito." Sagot ni Darwin. Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa painting na nasa harapan iya. Sasagot sana si Jo Ann ng matinig nila ang boses ni Aurora. "Good evening, everyone. My name is Aurora... Aurora Ara Molino. Tonight, I'm here to finally take off my mask. I want you all to see me for who I truly am... no disguises, no pretenses, just me." Wika ni Aurora. Aurora Ara Molino ang pangalang ginagamit niya mula ng makilala siya sa larangan ng fine artist. Lahat ay ginawa ni Caleb upang hindi malaman ni Darwin na ang dating babaeng iniwanan nito ay ang pinsan niya. "I know many of you came tonight to witness who Aurora Ara Molino truly is. There were whispers, rumors floating around like dust in the wind. Some said I wore a mask because I was a fugitive. Others claimed I was hiding a scar across my face. But tonight, for those who've long wondered who's behind the mask... I'm here. And I'm ready to show you who I really am." Muling sabi pa ni Aurora. Titig na titig naman sa kanya si Darwin. Hindi nito inaalis ang tingin niya sa mukha ni Aurora na may suot pang maskara. Kumunot ang noo ni Darwin ng nilapitan ni Stefano si Aurora. Kinuha ni Stefano ang mikropono na hawak ng dalaga, pagkatapos ay unti-unti niyang tinatanggal ang suot na maskara. Lahat ay napasinghap ng tuluyang malaglag sa sahig ang suot na maskara ni Aurora. Napaawang naman ang labi ni Darwin ng makita niya ang napaka gandang mukha ng dalaga at hindi ito makapaniwala kung sino ang babaeng tinitigan niya ngayon. "Ara..." Bulong ni Darwin habang mabilis na pumipintig ang kanyang puso. "Oh my god! Ang ganda mo Aurora." Malakas na sigawan ng mga tao sa paligid. Nag-uunahan ang mga ito na makalapit kay Aurora, ngunit pinipigilan sila ng mga bodyguards ng dalaga. Si Darwin naman at ang mga pinsan nito ay hindi pa rin makapaniwala sa kagandahang nakikita nila ngayon, lalong-lalo na si Darwin na halos hindi na inaalis ang tingin sa dalaga. "Okay ka lang? Kilala mo ba?" Tanong ni Tyler. "H-Hindi. Pero... parang may bumubulong sa utak ko na kilala ko siya. Parang may nagsasabi sa akin na lapitan ko ito at... at..." Wika ni Darwin, ngunit hindi naman niya maituloy ang sasabihin niya. Nakatitig lamang siya sa dalaga, parang nahihipnotismo siya ng kagandahan nito. "I-ikaw si Ara na nakita ko sa Milan?" Bulong muli ni Darwin. "Duuuude... okay ka lang ba talaga? Bakit para kang nakakita diyan ng magandang multo?" Wika ulit ni Tyler, kaya tawa na ng tawa sila Rouge sa kanilang pinsan na natutulala na. "Gago. Nakita ko na kasi siya. Siya 'yung sinasabi ko sa inyo na nakabangga ko sa Milan. What a small world." Sagot nito. Natigilan naman ang lahat at napatingin sila kay Aurora. "What? Siya ang tinutukoy mo? Wow, small world nga." Sagot naman ni Braxtyn. Hindi na kumibo pa si Darwin, nakatitig na lamang siya sa babaeng nagsisimula ng maglakad upang lapitan ang bawat painting at ipaliwanag ang ibig sabihin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD