Chapter 5 -Flashback-

2053 Words
◄Darwin's POV► "Have you heard?" Bigla akong napatingin sa taong papasok sa loob ng opisina ko. Nagulat ako sa dalawa kong matalik na kaibigan. Si Julie Ann Rovira at si Maria Karen Toews. "Oh, akala ko ba nasa Cebu kayong dalawa? Ano ang ginagawa ninyo dito?" "Oh my! You didn't know?" Sabi ni Karen. Natawa ako at napapailing ng ulo. Tumayo ako at nilapitan ko silang dalawa at saka ko sila niyakap. "Well, nandito na sa Pilipinas ang favorite artist namin na walang iba kung hindi si Miss Aurora Ara Molino. And the news? It’s spreading like warm butter on toast. She's about to reveal her face and open an art gallery in BGC. That's what brought us here." Julie Ann explained with enthusiasm. "Really? Ang tinaguriang The Art of Elegance ay ihahantad na ang mukha?" Sarkastiko kong sagot. Ngiting-ngiti naman silang dalawa, pagkatapos ay kumapit silang dalawa sa magkabila kong braso. "Yes. Kaya kami nandito ni Julie Ann." Sagot ni Maria Karen. Natahimik naman ako. Ano kaya ang dahilan at naisipan niyang ilantad ang kanyang mukha? At Bakit dito pa sa Pilipinas? I don't know, but there's something about her na parang may koneksyon kami... 'yung parang nagkita na kami before pero hindi ko naman alam kung saan. Parang may isang koneksyon na pilit na pinagdudugtong. Not sure, though. Baka nasa isip ko lang dahil curious ako sa hitsura niya. "Bakit natahimik ka na? Tara, samahan mo kaming dalawa sa mall. Mag-shopping kami sa mall ninyo para may discount na malaki." Pagbibiro ni Julie Ann kaya natawa ako. Pinitik ko pa siya sa kanyang ilong. Puro talaga siya kalokohan. "Okay. Wait for me at may tatapusin lang akong trabaho. Kailangan ko ito tomorrow." Sagot ko. Pinaupo ko na lang silang dalawa sa sofa habang ako ay bumalik sa swivel chair ko. But as I settled into my comfy chair, memories of Aurora flashed through my mind... especially the moment I left her in Laguna. -Flashback... "Nandito ka pala? Akala ko ba next week ka pa pupunta dito? Na-miss mo agad ako?" Sabi ni Aurora. Napakaganda nito ng matamis itong ngumiti kay Darwin. "Bakit ang lungkot mo naman yata? May problema ka ba? Bakit ganyan ka? Tinatakot mo naman ako, eh." Dagdag na sabi pa ni Aurora. Tipid na ngumiti si Darwin sa dalaga. Pagkatapos ay hinaplos niya ang mukha nito. Maging ang dalawang nunal nito sa ilalim ng kaliwang mata nito ay hinimas niya. "I love you. Tara duon tayo sa burol, may sasabihin ako sa'yo." Sabi ni Aurora. Nagmamadali ito na tumakbo patungo ng burol, kaya wala na ring nagawa pa si Darwin kung hindi ang lumabas ng kubo at sundan ang dalaga. "Halika dito. Hawakan mo ang kamay ko. Tignan mo ang paligid, napakaganda, hindi ba?" Sabi pa nito. Hindi naman nagsasalita si Darwin. Napakatahimik lamang nito at nakatingin sa malayo. "I love you Darwin. Sobrang pagmamahal ang ibinubuhos ko sa'yo." Sabi niya. Lumunok ng laway si Darwin, pagkatapos ay bahagyang tumingala at pilit na pinipigilan ang sariling damdamin. "I'm sorry, Aurora." Nagulat si Aurora at napatingin siya kay Darwin. Kunot ang kanyang noo, nagtataka kung bakit nagso-sorry ang kanyang nobyo. "H-Hindi kita mahal. Niloko lang kita, ang lahat ay laro lamang sa akin." Wika nito na ikinagulat ni Aurora. "Ano ba ang sinasabi mo? Nuong isang araw lang ay magkausap tayo sa phone. Sabi mo ay mahal na mahal mo ako at pakakasalan mo ako. Sinabi mo sa akin 'yan, hindi ba?" Naiiyak na sabi ni Aurora. Makikita sa mukha niya ang matinding takot. Humugot ng malalim na paghinga si Darwin, pagkatapos ay kumunot ang kanyang noo, pero mababakasan ng lungkot ang kanyang mga mata. "Nagpapatawa ka ba Aurora? Inaakala mo ba talaga na seryoso ako sa'yo? Na seseryosohin kita? Inaakala mo ba na papatol ako sa anak ng isang katulong? Pinaglaruan lang kita. Hindi totoo ang lahat ng sinabi ko sa'yo. Pinaniwala lang kita dahil gusto ko ang katawan mo. Iyon lang 'yon." Parang bombang sumabog sa pagmumukha ni Aurora ang lahat ng narinig niya kay Darwin. Kung ano-ano pang katotohanan ang ipinamukha sa kanya ng binata. Halos madurog ang puso niya sa masasakit na salitang narinig niya. Gusto niyang magmakaawa na mahalin siya, pero hindi niya ginawa. Galit na galit ang dalaga sa mga sinabi ng lalaking inakala niya na nagmahal sa kanya ng totoo. "Goodbye, Darwin. I hope our paths never cross again. I will never love you again at sana ay maging masaya ka sa ginawa mo. Don't worry dahil hindi ako maghahabol sa'yo. Ang katulad mo na walang puso at kaluluwa ay hindi dapat minamahal." Ang huling salitang binitawan ni Aurora kay Darwin. Napakuyom ang dalawang kamao ni Darwin ng magsimula itong humakbang palayo. Tumulo ang kanyang mga luha. Ngunit hindi niya nilingon ang babaeng minsan ay naging parte ng kanyang buhay. Nang marating niya ang kanyang sasakyan ay pinagsusuntok niya ang pintuan nito hanggang sa pumutok ang kanyang dalawang kamao, dahil sa tindi ng galit na nararamdaman niya. "AAAAHHHHHH! AURORA!" -End of flashback- "Ang lalim ng iniisip niya. Sa sobrang lalim, parang nailibing na ang kaibigan natin." Sabi ni Karen. Napatingin ako sa kanila. Kumunot ang noo ko kaya nagkatawanan sila. Napailing na lamang ako ng ulo at hinarap ko na ang monitor ng computer ko. Napatingin ako sa kamao ko. Bakas pa ang naiwang mga pilat dahil sa ginawa ko nuon sa sasakyan ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon... pero ang mukha ni Aurora ay tuluyan ng naglaho sa aking alaala. Sa tagal ng panahon na nangyari 'yon... hindi ko na alam kung ano na ang hitsura niya ngayon. Ang tanging naaalala ko sa kanya ay ang dalawang nunal niya sa mukha. Iniisip ko rin na baka tama ang mga pinsan ko na may pamilya na nga si Aurora, lalo pa at galing mismo sa mga tauhan ng hacienda ng aking ina ang balitang 'yon na may asawa na raw si Aurora. Hindi ko na kailangan pang magpakita sa kanya. Tapos na ang lahat sa amin at tinapos ko ang lahat ng 'yon. "Ang dami mo talagang sikreto." Sabi ni Julie Ann. Napatingin ako sa kanila. Kunot ang noo ko at napapailing na lamang ako ng ulo. "Hindi kasi lahat ay kailangan ninyong malaman. Katulad ninyong dalawa. May mga sikreto kayo na sarili lang ninyo ang nakakaalam. Ganuon din ako. Katulad ni Dex, kaylanman ay hindi niya ako kinukulit tungkol sa mga sikreto ko sa buhay." Sagot ko. Nagkibit balikat lang sila at nagsimulang mag-scroll sa kanilang phone. "Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ko naman inalala ang artist na si Aurora. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ng pagkakataon na magkapangalan pa talaga sila ng dati kong nobya. Tapos may nakilala pa ako sa Milan na nagngangalang Ara, at hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang mukha niya. Parang may something sa kanya na I can't quite explain. Ewan... parang kilala ko siya na hindi ko alam kung saan ko nakilala. Nagtataka ako kung bakit ang bilis ng pagpintig ng puso ko sa Ara na 'yon. Humugot ako ng malalim na paghinga. Natawa na lamang ako sa sarili ko. Parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Ang ex ko na Aurora ang pangalan, ang fine artist na si Aurora at si Ara na nakita ko sa Milan. Bakit puro sila A? Natatawa na lang tuloy ako. "Ayan na naman siya. Malalim na naman siyang nag-iisip. Kung ako sa'yo. Sumama ka na lang sa amin ni Julie Ann sa pagbukas ng art gallery ni Aurora. Three days from now na lang 'yon. Excited na nga kami." Sabi ni Karen. Ngumiti lang ako at umiling ng ulo. Walang dahilan para pumunta ako sa opening ng art gallery niya. Yes curious ako sa kanya, pero hanggang duon lang naman 'yon. Muli akong napatingin sa kamao ko. Hinimas ko ang mga pilat na naiwan sa kamo ko. Napangiti ako, pero mapait na ngiti. Ito lang ang alaalang naiwanan sa akin ni Aurora at wala ng iba pa. "Hindi ka pa ba tapos diyan? Bilisan mo naman para naman makaalis na tayo." Sabi ni Julie Ann. Natatawa na lang ako sa kanila. Sasagot sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isa ko pang best friend na si Dex Bernard. "Well, look who’s here... the two troublemakers. What are you doing in Manila? Weren’t you supposed to be in Cebu?" Wika nito. Sumibangot naman ang dalawa kaya natatawa na lang ako. "Hindi kami troublemakers. Nandito lang kami sa Manila dahil sa nalalapit na pagbubukas ng art gallery ni Aurora. Excited na kami. Gustong-gusto ko ang mga paintings niya. Sasabihin ko sa kanya ang karanasan ko sa pag-ibig nuong high school ako, baka sakaling ipinta niya. Heartbroken kaya ako nuong high school ako." Sabi ni Karen kaya ang lakas ng tawa namin ni Dex. Inis na inis naman siya at pareho kaming binato ng magazine. "Bwisit kayong dalawa. Ang gaganda kaya ng paintings niya. Lahat ng ipinipinta niya ay may kahulugan." Sabi ni Karen. Natahimik naman ako. Hindi naman ako mahilig sa mga paintings. Pero bakit parang curious ako sa mga iginuguhit niya dahil sa sinabi ni Karen? Parang gusto ko tuloy pumunta sa opening ng kanyang art gallery. Humugot ako ng malalim na paghinga ay sa ako napapailing. Hinarap kong muli ang computer ko at nagsimula akong magtrabaho. Pero ang isipan ko ay hindi ko naman ma-i-focus. Shiiit, naaapektuhan na naman ako. "Ikaw ba Dex may minahal ng babae, tapos sinaktan mo?" Tanong ni Julie Ann. Napatingin naman kami. Pareho pang kumunot ang noo namin ni Dex dahil sa tanong na 'yon ng kaibigan ko. "Maraming nasaktang babae dahil sa akin. Wala akong magagawa, sobra akong gwapo sa paningin nila." Sagot ng kaibigan ko kaya ang lakas ng pagkakatawa ko. Napatingin tuloy silang tatlo sa akin. "Seryoso naman 'yung tanong ko. Diyan kasi expert si Aurora. Ipinipinta niya ang masakit na karanasan ng isang tao at iyon ay isinasabuhay niya sa bawat paintings niya. Ang galing, no? Kaya nga ang daming nagmamahal at humahanga sa kanya. Maraming gustong ipapinta kay Aurora ang kasawian nila sa pag-ibig. Siguro ang sakit ng karanasan ni Aurora sa kanyang nakaraan kaya ganuon siya magpinta." Sabi ni Julie Ann. Bigla naman akong natahimik. Biglang pumasok sa isipan ko ang Aurora na dating naging parte ng buhay ko. Matagal na ang panahon na 'yon... mahigit sampong taon na. Inalis ko na siya sa isipan ko mula ng malaman ko na may pamilya na siya. Okay na rin 'yon... at least may taong bumuo muli sa kanya dahil sa pangwawasak na ginawa ko. Back then... I was too young to choose, too powerless to fight for what I wanted. "Okay ka lang?" Tanong ni Dex ng makita niya ang pananahimik ko. "Huh? Oo naman. Bakit mo naman naitanong?" "Well.. dude, may luha ka." Nagulat ako sa isinagot niya. Napahawak akong bigla sa pisngi ko at duon ko lang napagtanto na may luhang dumaloy sa pisngi ko ng hindi ko man lamang namalayan. "Wala ito. Masyado kasi akong titig na titig sa computer kaya nagluha ang mga mata ko. May sinasabi ba kayo?" I answered, trying not to let my thoughts get the best of me. "Okay. If you say so." Sabi niya. Natawa na lang ako. "Ikaw ba Darwin... nuong kabataan mo, may babae ka bang minahal? May babae ka bang pinaluha?" Sabi ni Karen kaya napatingin ako sa kanya. "Ako? Magmamahal ng isang babae? Wala. Wala akong minahal na kahit na sino. Tama na ang kalokohang tanong ninyo. Kung gusto ninyong pumunta sa opening ng art gallery ng Aurora na 'yon. Pumunta kayo, pero huwag ninyo akong isasama sa kalokohan ninyo. Huwag na kayong maingay diyan at tatapusin ko lang ito. Ilagay mo na lang 'yan Dex dito sa ibabaw ng desk ko. Huwag ka ng umalis, sasamahan mo kami at gustong mag-shopping ng dalawang 'yan sa mall." Sabi ko. He rolled his eyes kaya natawa na ako. "Kapag talaga nandito ang dalawang 'yan sa Manila, pati ako nasasama sa kalokohan ng mga 'yan. Hindi tuloy ako makapang-babae. laging nakakapit ang mga 'yan na parang tuko." Inis na sagot niya kaya mas lalo akong natawa. "Kunwari ka pa. Proud ka naman na kami ang nakakapit sa braso mo. Feeling handsome at playboy lang ang peg mo." Nauwi na kaming lahat sa malakas na tawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD