┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Kanina pa kita tinatawagan, bakit hindi mo sinasagot? Ang mga tawag ko?" Napalingon si Darwin nang marinig ang pamilyar na boses... medyo nagulat pa ito at sa sobrang busy niya ay hindi niya namalayan ang pagpasok nito sa loob ng opisina niya, pero agad ding ibinalik ang tingin niya sa screen ng computer niya. Halatang ayaw niyang ma-distract, kaya nagpatuloy siya sa pagta-type, parang walang narinig at ang mga mata niya ay tirig na titig lang sa monitor. "Dude, baka pumasok na 'yang mukha mo sa loob ng monitor screen." Pagbibiro ni David kaya mahinang natawa si Darwin. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya, bahagyang sumulyap kay David, pero hindi man lang ito nag-abalang tumayo. "Hindi ba sabi mo ay may importanteng meeting ka today? Akala ko sobrang hectic ng schedu

