Babala: Bawal sa Bata. Maselang bahagi. Isang taon na ang nakalipas... Magkasama kami ni Lanea sa Mansion nila. Isa siyang sikat na mananahi ng ilang clothing lines. Kahit sa mga sikat na painters ay kasali siya. Sabagay nakakaconfident naman talaga ang magkaroon ng ganyang talento. Katatapos lang ng handaan sa kanilang Mansion kaya abala sila sa pag lilinis at pag aayos ng mga nagamit. Tumulong na rin ako sakanila. Walang masyadong pahinga. Naupo ako at inilibot ang paningin sa loob ng Mansion nila. As usual napakalinis at naka organize ng tama ang lahat ng bagay na meron sila. Ayaw na ayaw talaga niya ang basta nalang. At lahat ng naroon ay antique at mamahalin talaga. Kumpleto ang gamit sa Mansion nila at may mga pigurines din. Saka tranquil na paintings. Mag isa lang si Lanea ngayon

