Naging abala kami sa Mansion na nagsilbi naming tahanan ni Xavier. Wala na kami ngayon sa poder ng mga Baitan at Aguirre-Wright simula ng kami ay ikasal. Ginamit namin lahat ng aming natanggap na regalo bilang panimula. Namili rin kami ng mga gamit namin sa bahay. Dahil hindi sapat ang mga bigay ng mga naging bisita namin noon. Kumpleto na iyon sa loob lamang ng isang linggo. Ngayon ay tapos na kaming mag asikaso at mag ayos. Nagising ako dahil sa ingay ng mga ibon na humuhuni habang nagpapalipat-lipat sa bintana at mga puno sa labas ng aming silid. Sumalubong sakin ang liwanag mula sa sikat ng araw. Mabini ang hangin ng umagang iyon. Napalingon ako sa guwapong nilalang na nakayakap sa akin habang mahimbing na natutulog. Napaka-guwapong ng Heneral na ito. Hindi nakakasawang pagmasdang

