ika-15 ng Hunyo Filipinas 1904 " Someone who truly loves you, sees what a mess you can be, how moody you can get, and how hard you can be to handle, but still wants you." Magkasama kami ni Lanea ngayon sa Barangay Hillside. Para tumulong sa mga taong nagsisilbi sa gobyerno. Mga katutubo na nakakaranas ng kahirapan. Ayaw ni ama at ng ama ni Lanea na pumarito kami pero nakiusap lamang kami kaya namin sila napapayag. Hindi lamang pala kami ang narito dahil pati ang Felicidad na iyon ay narito rin. Labis ang selos na nararamdaman ko sa tuwing lalapit siya at para bang pinapahiwatig niya na may pagtingin siya kay Xavier. Naiinis ako. Pero wala akong magawa. "ehem. Nangangamoy may nagseselos. Dahan dahan lang kaibigan, baka magulat nalang kami bumulagta na iyan diyan."mahina siyang tumawa.

