Kinaumagahan ay pinuntahan siya ni Devon sa kanyang opisina at duoy inihayag nila ang kanilang nalalapit na kasal, kahit na nagtataka ang mga ito dahil ang alam na kasintalhan niya ay si Leonard. Nagpalakpakan naman ang kanyang mga tauhan.Kung nalalaman lamang nito ang kanilang set up ni Devon. Sa mga mata ng iba'y pinagbuklod sila ng pagmama-halan.Naroon din ng mga oras na iyon si Leonard lara- wan ng isang nagluluksa yuko ang ulo.Gusto man niya itong tawagin ay wala na siyang magagawa.Marumi na siya at ilang beses naring nagtaksil rito.Kahit mismo si Rebeca ay hindi narin kayang bigyan pa ng kahihiyan si Leronard.Alam niyang mabuting tao ito at hindi na siya nababagay pa rito.Awang awa si Rebeca sa hitsura ng dating kasintahan,nangayayat ng husto ang lalaki,lubog ang mga mata

