Tuloy tuloy silang pumasok sa malaking bakuran nila Devon.Bukod sa mga ibat ibang bulaklak na nagsisilbing palamuti rito ay makikita mo rin ang malalaking puno na napapalibutan ng mga kumikislap na ilaw.Ang unang sumalubong ay ang nanay ni Devon,hinalikan si Rebeca at niyakap.Maluha luha itong ngumiti sa dalaga."Sabi ko na nga ba hindi ako nagkamali nuong una palang kitang makita alam kong ikaw ang nakatadhana sa aking unico iho dahil noon lamang siya nakapag pakilala sa akin ng kanyang nobya.Nagpapasalamat ako iha, na ikaw ang babaeng nagustuhan nya dahil ung iba diyan." "Inay naman!Baka magbago pa ang isip ni Rebeca sa sinasabi nyo."Sabay ngiti ng alanganin ni Devon pagkatapos iyong sabihin sa ina."Hay nako,maige nga ng mag tino kana!"Nangingiting sabi ng magandang Ginang.Napangiti

