• Eya • Ilang araw na magmula noong makalabas ako ng ospital at ilang araw na rin akong iwas kay Zayden. Tulad nga ng sinabi ko, itinigil ko na ang kahibangang fake couple naming dalawa, I don't want to be a third party. And I will never be. Hindi ako mang-aagaw at mas lalo namang hindi ako maninira ng relasyon. Ayaw ko maging ganun. Takot ako sa karma. But Zayden is Zayden. He keeps on chasing me, talk to me, annoying me and all, pero ako bilang ako, hindi na ako nagpapaapekto pa kahit na alam kong halos lumuwa na sa ribcage ang puso ko dahil sa kaba tuwing nasa paligid ko siya. And about sa drawing, okay naman ang kinalabasan lalo na sa explanation kaya wala nang problema sa bagay na yun. Natapos ang dalawang linggo na puro iwas lang ang nangyayari sa aming dalawa. Actually lumipat na

