• Eya • "Kailangan pa ba talaga nito?" reklamo ko sa kanila habang hindi makapaniwala sa mga dala nilang kolorete sa mukha. Ang dami. After class ay dumaan muna kami sa Mikasa Latte bago dumiretso sa bahay nina Patty para daw mag-ayos. Akala ko magbibihis lang kami pero heto at bigla na lang lumitaw sa harap ko ang iba't ibang klase ng make-up ni Patty at hindi lang yun ang ikinapuputok ng butchi ko. Ikaw ba naman pasuotin ng halos maubusan na sa tela na damit? Isang body fit dress ang kay Cass, tube at short-shorts naman ang kay Patty samantalang off-shoulder buttoned crop top naman yung akin na pinarisan ng maong na short-shorts, jusko! Halos lumuwa na nga yung dibdib ko sa croptop na off-shoulder, magpapakita pa ako ng hita! Bakit hindi na lang kami mag panty at bra papuntang bar k

