• Eya • Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na agad ako sa kanilang dalawa para pumasok na sa trabaho ko sa Mikasa Latte, ihahatid pa sana nila ako pero ako na ang tumanggi dahil baka may gagawin pa sila at ayokong makaabala. Pagkarating ko roon ay agaran na agad akong nagbihis ng uniform sa locker room ng mga waitress at inayos ang sarili. I am staring at my refection on the mirror when I remember about Zayden. Bakit kaya siya absent? It's been two days since I last saw him and was with him, it was the day we ate outside with his Daddy. Akala ko talaga may gagawin s'yang kahalayan sa akin, mabuti na lang at wala dahil hindi talaga ako magdadalawang-isip na putulin ang inaalagaan niya! Pero teka nga... ano naman ang pakialam ko kung wala s'ya?! Buti nga iyon dahil walang pumipeste sa akin

