• Eya • "Ganito pala ang itsura ng bahay mo? Hindi ko kasi napansin nung unang beses na hinatid kita." Tanong agad ni zayden nang mahatid nya ako sa tapat ng gate ng bahay ko. Well, hindi naman sya ganun kalakihan at hindi rin sya kaliitan, sakto lang para sa isang maliit na pamilya pero sa kaso ko ay sobrang luwag na ng bahay para sa akin dahil bukod sa nag-iisa lang ako ay wala pa masyadong kagamit gamit. Tanging sofa, coffee table at dalawang hindi gaano kalaking kabinet lang ang nasa sala ko, wala akong TV pero may laptop naman ako kaya hindi ko na kailangan ng telebisyon. Hindi naman ako lumalagi sa sala kasi puro kwarto at kusina lang ako. Walang kainte-interes sa bahay ko. Kunting disenyo lang ang nasa dingding ng aking sala, tatlong picture frame lang namin ng aking pamilya at m

