• Eya • I feel mixed emotions at these times as I can't believe staring at them, one by one. Fear, apprehension and anxiety. Yan ang mas makikita at mahahalata sa mukha ko ngayon. Tagos hanggang kalamnan ang titig ngayon sa akin ni Lolo, Mommy at Daddy. Hindi nila alam na nagtatrabaho ako. Wala silang alam tungkol dito. At hindi ko alam kung anong klaseng impiyerno ang madadatnan ko pagkatapos ng araw na ito. Sa mga tingin pa lang ni Lolo ay halos tirisin na niya ako sa sobrang galit. Diyos ko, kung katapusan ko naman po sa araw na ito, naway patawarin niyo po ako sa mga kasalanang nagawa ko. Lalong lalo na po ang pananakit ko kay Zayden. "What are you doing in this kind of place, Megumi Aleah Mikitani?" mahina ngunit matigas at bakas ang galit, disappointment at panggagalaiti sa bose

