• Eya • Hindi ko namamalayan, ang dami na pa lang nangyari nitong mga nakaraang araw at linggo. Simula noong umamin ako kay Zayden sa totoong nararamdaman ko para sa kan'ya, saka naman ang pagdating ng magulo at masalimuot na pangyayaring sumubok sa pagmamahalan namin. At heto ako, wala pa sa kalahati ay sumuko na ako. Sumuko ako hindi dahil hindi ko na s'ya mahal, sumuko ako dahil alam kong iyon ang tama at alam kong dapat kong gawin. I am bound to inherit our family's legacy, and destined to marry with the man I don't love. Siguro nga hanggang dito na lang talaga kami. Hanggang dito na lang ang aming pagmamahalan na dalawa. We're not destined for each other. Pinagtagpo lang kami ng panahon, pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Class dismissal na at katulad nga ng inaasahan, hindi

