• Eya • Love is sacrifice. Pero sacrifice pa rin ba ang ginagawa kong ito? Sinasaktan ko s'ya, at sinasaktan ko rin ang sarili ko. Pero anong magagawa ko? Hindi na kami pwede sa isa't isa. Maraming hadlang, at kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo- mali pa ring ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa. Marami kaming mababangga't maaapakan, marami kaming masasaktan. So the better way is to just stop this love from growing and go in separate ways. Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng building ng school namin kung saan puro mayayabong na puno lang ang nakikita mo at ang nagkalat na mga lumang benches sa lilim nito. There's no one in here except me, myself. Well, sino ba naman ang gustong magstay sa lugar na ito kundi ang mga nerds lang at outcast sa school na ito ang nakakayanang p

