Kasabay nang pagbukas ni Tyron ng pinto para sa'kin ay ang pamilyar na ingay ng mga estudyante tuwing unang araw ng klase. Nakangiti kong inabot ang nakalahad na kamay ni Tyron habang naririnig ko naman ang mga pagkukumustahan at kwentuhan nang iilan naming mga kasabayan. Maging sina Zeke at Harley ay kasalukuyan nang merong mga katawanan. Hula ko ay mga dati nilang classmates. Iilang mga estudyante rin ang napapatigil at napapalingon sa direksiyon ni Tyron bago mapanuring lilipat sa'kin ang atensiyon ng mga ito. "Good morning, Dr. Ramirez." Isang may edad nang ginang ang bumati kay Tyron. "Good morning, Dra. Santi," tugon ni Tyron dito. "Magtuturo ka ba ulit dito, Doc?" magiliw na tanong ng ginang. "Hindi, may sinamahan lang ako. By the way, Dra. Santi, this is Akira," pakilala sa'

